M e m o r i e s
|
Sunday, July 15, 2007
John Rapes Garfield?!
This is an amusing cartoon that I accidentally found thru the Google Image Search. I wonder if this was really published in the papers.
Tinopak si Jopeth noong: 11:40 AM
|
Sunday, May 13, 2007
Revolutionary Cows!!!
Check this cool Flash video that someone sent me. It's so fucking cool and funny.
http://www.3dweb.no/galleri/stuestolbm/bilder/anim1.swf
Tinopak si Jopeth noong: 2:16 PM
|
Monday, May 07, 2007
Jopeth's Random Acts of Agression
I was walking on the street, carrying an 18-inch pepperoni, mushroom, and cheese pizza that I just bought from Extremely Espresso. It was my lunch and dinner. I'm planning to share it with my bros and my buddies tonight over some beers while playing texas hold 'em poker. Ahh, this is a life of a yuppie...
Until some drunk asshole just across the street bgean gazing on my enormous pizza box that i was carrying like some dog drooling over a nice piece of steak. Then he started saying, "Hoy, dalhin mo naman dito yan!" (Hey, bring it over here.) At first, I ignore that drunk ass. But then, he kept calling me like some retarded kid calling for his favorite toy.
"Hoy, dalhin mo naman dito yan!" (Hey, bring it over here.)
"Hoy, dalhin mo naman dito yan!" (Hey, bring it over here.)
"Hoy, dalhin mo naman dito yan!" (Hey, bring it over here.)
I suddenly snapped. So you want pizza, huh, you rotten dick. I went to him and grabbed his head, and slammed his ugly face on my pizza.
So you want pizza?!
Come and get some, bitch!!!!
Oh, you haven't had enough?!
Get some more!!!!
Go for second helpings, bitch!!!!
I slammed his face again and again to my pizza until all the cheese, mushrooms, and peperoni got stuck into his fucking face.
Now, had enough?!
I did all of this in my mind. I wish I could do this in real life and get away with it.
Fuck.
Tinopak si Jopeth noong: 10:41 PM
|
Sunday, March 25, 2007
Black Innocence
After so much procrastinatio and crap, natapos na din ang Act 1 ng aking Black Innocence. This is the third time na nirewrite ko ito. Sana ay hidi na ako topakin na irewrite ito uli.
Pakiclick yung link sa baba kung gusto nyong basahin:
Tinopak si Jopeth noong: 4:42 PM
|
Saturday, March 10, 2007
Maglilinis ako ng aking kwarto
Kasabay sa aking paglilinis ng aking kwarto ay natagpuan ko ang luma kong Chucks kasama ng picture ng aking ex na si Maricel. Kasabay ng paglilinis ng aking kwarto ay itatapon ko ang aking Chucks, kasama ng litrato ni Maricel, kasabay ng pagtatapon ng lahat ng alaala namin. Kailangan mo nang magpaalam sa aking kuwarto, Maricel. Bye.
Tinopak si Jopeth noong: 5:44 PM
|
Saturday, January 27, 2007
Bringer of Bad News
It sucks being the bringer of bad news all the time. The truth unleashed at the short period of time can have a lasting effect: a year of fantasy shattered in seconds of words uttered.
A food for thought, girl.
First, grow up, will you? The world isn't a fairy tale, so snap out of your fantasy.
Second, focus in the present and believe in the promise tomorrow. The past is there for our nostalgia and lessons that we might learn from, but never there for us to dwell there forever.
Last, truth sucks, but it has to be unleashed.
I believe in tomorrow...and its promises
(no more coffee for you, Peter)
Tinopak si Jopeth noong: 4:52 PM
|
Sunday, January 14, 2007
Boredom
Nuclear weapons isn't the world's greatest threat.
Boredom is.
Fuck.
Tinopak si Jopeth noong: 4:51 PM
|
Thursday, December 28, 2006
The Day Yellow 4 Said Goodnight
Kung ang edad mo ay 18 and above, mataas ang tsansa na isa ka sa libo-libong mga bata na naadik sa Bioman. Dating pinapalabas ang Bioman sa channel 2, circa late 80s to early 90s. At kung naadik ka dito, malamang ay isa ka rin sa libo-libong batang umiyak noong namatay si Yellow 4. Tama, noong namatay si Yellow 4. Aminin mo man o hindi, isa ito sa mga turning points ng childhood life natin. Ito rin ata yung first time na umiyak ako dahil sa napanood ko sa TV.
Salamat sa Youtube.com, nahukay ko dito ang famous na Episode 10, ang episode kung saan namatay si Yellow 4. Ang real reason kung bakit nawala si Yellow 4 kasi nagkarron ng pagtatalo between kay Yuki Yajima at management dahil sa mababang pasahod sa kanila ng production management. Nang sabihin ng management na hindi muna sila susuweldo para sa taping ng Episode 10, nagresign si Yuki at napilitang palitan siya ng bagong aktres. Anyway, eto na yung Episode 10, in its original Pinoy English dub na pinalabas nila noong early 90s.
Episode 10 - Part 1
Episode 10 - Part 2
Tinopak si Jopeth noong: 5:11 PM
|
Saturday, November 18, 2006
Photoblog
Dahil uso (daw!) ang phtoblogging, naisip ko na rin na gumawa ng sarili kong photoblog. Pakibisita po yung photoblog ko, i-click yung link na nasa baba. Please, parang awa niyo na...
http://jopeth23.photoblog.com
Tinopak si Jopeth noong: 10:47 PM
|
Sunday, November 12, 2006
Jopeth's Mold Farm
Ano kayang mangyayari sa baunan mo kapag nalimutan mo itong ilabas sa loob ng iyong bag sa loob ng dalawang araw at binuksan mo ito sa ikatlong araw? Ang sagot: magkakaroon ka ng mold farm
Imbis na hugasan ito agad, na-amaze pa ako dito at kinunan sa aking cellphone. Wow, pwede na pala akong maging isang mold farmer. Siguro, kung mahal lang yung amag, malamang kasing yaman na ako ni Bill Gates. After kunan ang litratong ito, hindi ko na rin natiis yung amoy nito kaya hinugasan ko rin, at dahil gagamitin ko din yang baunan na ito para sa trabaho ko. Binanlian ko muna ng mainit na tubig ito bago ko ginamit. Natural, hindi ko kakayanin na makakain ng amag, baga bumula pa bibig ko.
Lesson for the day:
Ugaliing ilabas at hugasan ang baunan pagkauwi ng bahay.
Tinopak si Jopeth noong: 3:01 PM
|
Saturday, October 21, 2006
Boom Tarat-tarat
Dahil 2 pm lagi ang pasok ko sa araw-araw, at si Mama ay nasa bahay lang, pwersado akong manood ng Wowowee araw-araw. Si Mama lagi ang may hawak ng remote control, kaya pwersado akong manood ng noon time show na yun. Hindi talaga ako fan ng mga noontime shows, at hindi ko talaga makuhang magustuhan ang napaka-corny na style na Willie Revillame (see my previous post tungkol kay Willie Revillame and see why).
Nakakairita na naririnig ko yung nakakasakit sa ulong kanta ni Willie Revillame na "Boom Tarat". Nakakasakit sa mata na makitang paulit-ulit makitang sumasayaw sa TV. Argh!
May part dun na kung saan mamimili si Willie Revillame ng lalaban sa Bigat10 (yun ba yun?). Bago ka makasali ay sasayaw at kakanta ka muna nung nakaka-brainwash na witing "Boom Tarat". At sa portion na yun ay may natutunan akong napakahalagang aral sa buhay...
"Nabibili ng salapi at papremyo ang dignidad ng tao."
Boom tarat-tara, boom tarat-tarat, tararat-tararat
BOOM! BOOM BOOM!
(repeat until mabrainwash ka na rin)
Tinopak si Jopeth noong: 12:15 AM
|
Thursday, October 19, 2006
Wow!
Hmmm...medyo matagal na rin akong di nakaka-update ng blog...hmmm...marami na ring nangyari sa buhay ko magmula noong huli kong update.
Isa na dito ang pagpasa ko sa board exams. Oo, tama ang iyong nabasa, PUMASA AKO NG BOARD EXAMS! Sa wakas, mas malapit na akong sa pangarap kong maging GTP. Hehehehe. At bilang reward sa aking efforts sa pagpasa sa board exams (actually, parang effortless nga eh), pinag-retire ko na ang aking lumang cellphone at bumili ng panibagong cellphone. Oo, hindi na bulok na Bird ang cellphone ko. Ito ay ang Nokia 6600.
NOKIA 6600?!
Putangina, sabihin niyo man na luma ito at bulok, para sa akin, ito ang best cellphone ko dahil ilang buwan ko din pinagpaguran at pinagipunan. Ito ang epekto ng pagtitiis ko sa mga mababahong Koreano. Ngayong maari na akong kumuha ng mga pix, coming soon na yung photoblog ko, hehehehe....
Tinopak si Jopeth noong: 10:49 PM
|
Wednesday, September 20, 2006
New Addiction
Meron na naman akong bagong addiction ako ngayon. Sa wakas, nakakita ako ng paraan para magamot kahit papano ang aking burnout syndrome. Eto ang KART RACING. Yeap, tama ang nabasasa niyo, KART RACING nga. Medyo mahal nga lang (300 pesos per 10 laps), but it's all worth it. Muli kong natuklasan yung speed-freak side ko. Hell, hindi mo alam kung anong klaseng adrenaline injection ang nararanasan ko dun. Ngayon, minamaster na namin yung buong track para magawa namin ang fastest speed time possible.
Kung gusto niyong mapanood yung kagaguhan namin sa Subic Le Mans track, panoorin niyo ang video na ito.
Tinopak si Jopeth noong: 11:32 PM
|
Friday, September 08, 2006
Burnout Syndrome
Ngayong tapos na ang board exams at nag-aantay na lang para sa results para sa exams, panibagong sakit na ang aking kinakalaban. After 3 months of employment in this goddamn donkey-raping school, you could have guessed it.
The fucking Burnout Syndrome
Have you felt you've been ass-raped, torn into pieces, over-circumcised, pierced with pitchforks, forced to listen to Hilary Duff, Britney Spears, and Parish Hilton simultaneously 24/7 for a month, and then burned in a wooden stake as a grand finale?
That's Burnout Syndrome, my friend...feel lucky you are not in my shoes...
Tinopak si Jopeth noong: 11:39 AM
|
Friday, August 25, 2006
Board Exam Blues
Shet, board exams na namin sa Sunday. Sana ipagdasal niyo po kaming libo-libong mga aspiring professional teachers na magtetest ngayong Linggo.
Ipagdasal niyo na sana pumasa ako...
Ipagdasal niyo na sana walang leakage tulad ng nangyari sa nursing board exams...
Ipagdasal niyo na sana wag ako magseizure o matae sa gitna ng exams...
Ipagdasal niyo ako...
Tinopak si Jopeth noong: 5:40 PM
|
Sunday, August 13, 2006
Overtime
Wow, matagal na rin pala akong hindi nakakapost dito sa blog ko. Mula noong nakarecieve ako ng memo sa boss ko straight from Korea via fax, at personal na mapagalitan pagkarating niya, hindi ko na nagagamit ang sobrang bilis na internet namin sa opisina.
Ang masakit pa dito, andaming dumating na mga bagong students. Kaya todo kayod sa trabaho. Tapos sinabayan pa ng pasukan ng Brent International School.
WAAAHHH!!!!!!!!
Isang linggo straight na akong nagoovertime. Okay lang dahil alam ko naman na malaki ang matatanggap ko pagdating ng sweldo. Pero patayan na itong ginagawa ko. Tulad ng sinabi ko sa sarili ko sa sulat ko para sa sarili ko...
Sige, Peter...tama yang ginagawa mo...
Patayin mo sarili mo sa trabaho...
Fuck...
Tinopak si Jopeth noong: 7:14 PM
|
Saturday, July 08, 2006
Nostalgia Trip!
Kung ang edad mo ay 17 and above, chances are that naadik ka rin sa mga sikat na sikat (noon) na Japanese superhero shows na ito noong bata ka. Salamat sa Youtube.com, akala namin ay hindi na namin makikita kahit kailan, ngunit may mga mababait na tao na naadik din sa mga shows na ito noong mga bata sila ang nagpost sa Youtube ng mga videos na ito. Paki-click na lang ang mga clicks na nasa baba.
Pulis Pangkalawakan, SHAIDER!!!!
- Eto malamang ang isa sa mga pinakasikat na Japanese superhero noong 80s. Sino ba naman ang makakalimot kay Alexis at sa kanyang magandang sidekick na si Annie? Kay Fuuma Lei-Ar at sa kanyang mga kampon? Sa sikat at hypnotic na "Shigi Shigi" theme na tuwing pinapatugtog ay nagsasayawan ang mga kampon ni Fuuma? Sa mahiwagang "Time Space Warp" at sa asteeg na Blue Hawk (na gawa ng Suzuki)? Sa panty ni Annie na laging inaantay ng mga bata sa tuwing tatalon siya? Sa Babylous? Naalala ko pa noong bata pa ako, pinapalabas ito sa channel 2 tuwing 5:30, pagkatapos ng Bioman. Pagdating ng 5:30, automatic na hihinto na kami sa paglalaro at tatakbo sa bahay namin upang umupo sa harap ng TV sets namin (yung lumang black and white na TV pa ang TV namin noon). Di bale na kung among pawis, anghit, o araw kami, basta makapanood kami ng Shaider. Sayang wala na ang Shadier. Sa pagkakaaalam ko, namatay na yung actor na gumanap kay Shaider, at yung actress na gumanap kay Aniie ay naging porn star sa Japan. Binalik itong Shaider noon sa 7, pero nawala din. Alam ko pinapalabas ito sa Hero Channel tuwing Sabado. *sigh* I miss Shaider.
Bio Team Fight!!!! BIOMAN!!!!
Bago pa dumating ang Power Rangers at iba pang superheroes, andito na yung Bioman. Di hamak naman na mas asteeg ang Bioman kesa sa mga sumunod dito. 'Ika mga nila, nothing beats the original. Akalain mo, meron pa silang assistant na robot na kamukha ni Mask Rider Black (kulay gold nga lang), at malupit nagiant robot. Pustahan tayo, isa ka rin sa mga libo-libong bata noon na naiyak noong namatay si Yellow Four, di ba? Aminin!!!!!
Rider Change!!!! - Masked Rider Black!!!!
Asteeg na superhero na may mga asteeg na bikes! Anong ibubuga ng Orange County Choppers sa mga bike ni Masked Rider? Saan ka makakakita ng off-road bike na may sariling isip, at marunong sumagot! Saan ka makakakita ng malupit na hi-speed bike na mas mabilis pa sa Y2k? Dito lang yun!!!! Naalala ko pa noon na kapag gusto naming gayahin yung transformation sequence ni Masked Rider (yung umuusok yung kamay), kukuha kami ng watusi tapos ibababad nami sa tbig, tapos dudurugin namin sa kamay namin, at ayun, RIDER CHANGE!!!!!
ULTRAMAN!!!!
Wow, ito yung pinaka-orig sa lahat ng Ultraman series. Malupit ito, naalala ko pa yung kumikislap sa dibdib ni Ultraman kapag nanghihina siya. Basta, malupit ito....wala akong masabi...
The Lesson of this post:
"Never let that child inside you die."
Tinopak si Jopeth noong: 3:34 PM
|
Sunday, June 25, 2006
Matigas
Meron kaming estudyanteng Korean na pinaghihinalaan naming bakla kasi malamya kumilos. Sayang, sabi ng mga babaeng co-teachers ko, kasi ang guwapo pa naman niya, tapos bakla pa naman. Naisip ng mga ibang tarantadong babaeng co-teacher na palibugin siya, para lang makita kung anong magiging reaction niya. Ang naging reaction ko lang ay ito:
"Titigas na lahat ng parte ng katawan niyan, pero hindi pa rin titigasan iyan!!!"
Wtf....
Tinopak si Jopeth noong: 11:39 AM
|
Friday, June 16, 2006
Ang Pinakahihintay na Shigi Shigi Theme ng Shaider, Andito na!!!!
Kung ang edad mo ay 17 and up, mataas ang tsansa na naadik ka rin kay Shaider, ang pinakamalupit na pulis pangkalawakan. Naalala ko noon, tuwing 5:30 ng Sabado yun sa channel 2 pagkatapos ng Bioman. Malupit yun!!!! Sino ang makakalimot kay Fuuma Lei-Ar at sa kanyang mga kampon? Sino ang makakalimot kay Annie, ang sidekick ni Shaidewr, na sa tuwing tumatalon at tumatumbling ay nakikitaan ng panty?
At sino ba naman ang makakalimot sa nakakahypnotize na Shigi Shigi Theme na pianpatugtog sa tuwing ang mga kampon ni Fuuma Lei-Ar ay nagsasayaw na mukhang gago (reminds me of El Shaddai members)? Bilang tribute sa aking pinaka-favorite na superhero at sa lahat ng mga naadik dito, inihahandog ko ang pinakaantay at hinahanap-hanap na Shigi Shigi Song!!!! Oo, tama ang iyong nabasa, ang Shigi Shigi Theme nga!!!! Kung ikaw ay adik sa Shaider tulad ko noong bata ka, pwes, click na sa link sa baba!!!
http://images.jopeth23.multiply.com/song/1/2/full/U2FsdGVkX1.REAP7AQj0ZtWS8IFupVe9M1r0BAnGpQLOFLUn,MxevQ==/Koorogi%20'73%20-%20The%20Strange%20Song.mp3
ENJOY!!!!
Tinopak si Jopeth noong: 7:48 PM
|
Sunday, June 11, 2006
A letter to myself
Dear Jopeth,
Ngayong nagtratrabaho ka na, sana masaya ka na dahil kumikita ka na ng pera. Ngayong hindi ka na nakatambay sa bahay at walang ginawa kundi matulog, kumain, maglaro ng Playstation, at magpalaki ng itlog. Sana masaya ka sa ginagawa mo. Sige, tama iyang ginagawa mo.
Wala ka nang social life.
Wala ka nang love life.
Pati sex life wala na rin.
Sige, ipagpatuloy mo iyan, patayin mo sarili mo. Mabuti iyang ginagawa mo.
Nagmamahal,
Jopeth
Tinopak si Jopeth noong: 10:32 AM
|
Tuesday, June 06, 2006
Burnout
aka
I Think I'm Turning Korean part 2
Ewan ko ba kung ano nang nangyayari sa buhay ko. I broke up with my girlfriend (again) after a month of virtually no communication. I have now this job as an ESL teacher and tutor for Koreans. But I don't know...
Hindi naman sa mababa yung sweldo namin (mas maganda pa nga yung kalagayan namin kesa sa mga regular na teachers sa private and public schools), o sa minamaltrato kami (although mahigpit lang minsan yung boss namin na Korean). Parang andami nang nagbago sa buhay ko mula nung nagkatrabaho ako. Let me count:
1.) Di na ako nakakasama sa "every other day" escapades ng mga tropa ko.
2.) Di na ako nakakasali sa airsoft games ng mga airsoft buddies namin (okay lang naman dahil menos gastos na rin yun).
3.) 2 buwan na akong walang sex.
4.) 2 buwan na akong walang sex.
5.) 2 buwan na akong walang sex.
6.) 2 BUWAN NA AKONG WALANG SEX!!!!
Try imagining my life right now. Argh....
Tinopak si Jopeth noong: 9:13 PM
|
Tuesday, May 30, 2006
Cute Rocking Japanese Girls
Nakita ko ang video na ito sa Youtube. Ewan ko ba pero...ang cucute talaga ng mga hayop na ito!!!! Although hindi ganun ka-asteg yung sound nila, asteg yung concept nila. By the way, ang pangalan daw ng garage band na ito ay Sasebo and Harajuku. Imagine kung gagawin mo sa Pilipinas yung ginawa nila, malamang baka limusan ka ng mga dumadaan.
Ang mga batang ito ay estudyante sa isang performing arts school sa Tokyo. Nanalo daw sila bilang The Most Enthusiatic Performer. Ewan...basta pakinggan niyo na lang sila.
Tinopak si Jopeth noong: 11:11 PM
|
Saturday, May 27, 2006
I think I'm turning Korean...I really think so!!!
"I think I'm turning Japanese (3x)
I really think so!"
- The Vandals, Turning Japanese
Katulad ng sinasabi sa sikat na punk na kanta ng Vandals, mukhang nagiging Korean na ako. Bakit? Eto kasi:
Kung maalala niyo sa huli kong post, kasalukuyan akong nagjojobhunting nun, right? Maswerte ako at tumawag sa akin ang isa sa mga schools na inapplyan ko. Yun ay isang Korean language school na nasa loob ng SBMA. Natural, dali-dali akong nagpagupit, nag-ahit, nagpa-facial, nagpa-derma, at nakipag-appointment kay Dr. Vicky Belo para magmukha naman akong tao para sa job interview ko. At dumating na ang pinakahihintay naming lahat, ang job interview.
Almost 11 kaming mga applicants. After ng sobrang daling English vocabulary test (engot ka pag hindi mo nasagutan yun), agad kaming isinalang sa interview. At ang mag-iinterview sa amin ay ang head teacher ng school na yun. Kaya natural, sobrang practice at isip na kung anong sasabihin at isasagot ko sa mga ibabatong tanong sa akin. At kami ay dinala sa "teacher's lounge", na mukhang confession room sa Pinoy Big Brother. Feeling tuloy namin parang mga housemates kami sa PBB.
At dumating na ang turn ko para interviewhin. Matapos akong batuhin ng maraming tanong, insultuhin, pa-tumblingin, magpagulong-gulong, kumain ng apoy, kumain ng buhay na manok, at magdive sa swimming pool ng kalamansi juice, natapos din sa wakas ang interview ko. At dun din mismo nalaman namin kung sinong nakapasok, at ang mga hindi pinalad na makapasok. Parang Fear Factor nga naman, isa ako sa mga nakapasok at magproproceed sa training.
To be continued... (tinatamad na akong magsulat eh...hehehehe)
Tinopak si Jopeth noong: 4:26 PM
|
Saturday, April 29, 2006
Jopeth: So far...
Mukhang matagal-tagal na rin akong hindi nagpopost sa blog kong ito Para sa mga dating bumibisita, mapapansin niyo na nagpalit na rin ako ng lay-out. Pinalitan ko ng Evangelion inspired theme yung blog skin ko (na aking ninakaw sa blogskins.com). Crush ko kasi noon si Rei Ayanami kaya siya yung nilagay ko diya eh.
Anyway, ano na ba ang balita kay Jopeth Flores sa loob ng halos isang taon na pagkawala ko?
1.) Graduate na ako ng kolehiyo, sa wakas! After almost 5 years sa kolehiyo at ng madugong practice teaching ko sa Olongapo City National High School, ako ay nagtapos na rin sa wakas! No more classes, no more cramming, no more thesis and reports, yahoo!!!
2.) Ako ay walang trabaho ngayon. Pagka-graduate ko, ngayon ay sinusuong ko ang pinakamadugong bahagi ng kolehiyo, ang JOBHUNTING. Yes, tulad ng inaasahan ko, ako ang latest addition sa unemployment rate ng Pilipinas. As of 3 PM kahapon, officially 3 na ang schools na pinasahan ko ng resume. As usual, ang sagot nila ay yung tipikal na 'don't call us, we'll call you'. Kaya hanggang ngayon, tambay ako dito sa bahay, nagpapalaki ng itlog, walang ginawa kundi manood ng Animax, maglaro ng luma kong PS1, at tumambay sa Net Cafe ni Epoy.
3.) LET review classes. Hindi porket graduate ka na ng BSED o kaya BEED ay pwede ka nang maging katulad ni Onizuka. Kailangang mag-take ka muna ng board exams at makapasa nito upang maging ganap na teacher ka. Upang tumaas ang chances na makapasa ako, ako ay nagtatake ng LET (Licensure Exams for Teachers) review classes na tatagal sa lob ng 5 buwan. Every weekends yun. Ewan ko ba kung bakit imbis na andun ako sa klase ko, nagsusulat ako dito sa blog ko... parang college pa ako. Well, some habits die hard. =)
4.) Bum days. Dahil halos pare-pareho kaming walang magawa sa buhay, halos naging gai-gabi ang inuman sessions namin nina Epoy. Pero in fairness, may mabuting effect naman yung ginagawa namin. We made new friends, tulad nina Mitch (yung bartender sa Willis na kung makatingin sa akin ay parang lalamunin ako ng buo), si Rhea (yung makulit na waitress sa Brad's na tropa na namin after 3 nights ng pakikipag-inuman), at si Ciarra (the feisty girl na mukhang mataray, pero asteg). Feeling ko tuloy tataas uli alcohol tolerance ko pag nagpatuloy ang ganitong lifestyle namin.
5.) 3 GFs ago. Yes, 3 girlfriends na ang lumipas nung huling nagpost ako sa blog na ito. Either masyadong matagal na yung last time na nagpost ako, or sadyang lagi lang akong iniiwan ng mga babae.
6.) DOTA nights! Kami ni Epoy ay naadik sa laets mod (or modification) ng Warcraft, ang Defese of the Ancients, or DOTA for short. Ewan ko ba, mula nung ininstall ni Epoy yun sa cafe niya, halos araw-araw kaming naghahamunan dun sa larong iyon. Although palagi ko pa rin siyang natatalo sa larong iyon, mabilis siya matutuo at mukhang nakaka catch up na siya sa level ng experty ko sa larong ito. kaya tuwing magkakatinginan kami, alam mo na kung anong ibgi-sabihin. DOTA?!
Tinopak si Jopeth noong: 11:07 AM
|
Saturday, April 22, 2006
EXCLUSIVE INTERVIEW WITH SAM MILBY OF PBB!!!
Jopeth: Hello everyone, I'm here today at Starbucks Emerald Avenue where I am torn between creaming my pants and feeling like a total loser because I am about to Interview Sam Lloyd Milby, the most recent house mate from the sickeningly popular TV show Pinoy Big Brother to be evicted. Hi Sam, thanks for coming, what can you say to all the readers of the ID Configuration?
Sam: Hi! Glad to be here and hi to everyone who reads this prestigious internet publication; Jopeth tells me that there are two million people in five continents who read his site everyday and I cannot stress enough how flattered I am to be invited for an interview.
Jopeth: Err. yeah dude. So tell us a little something about yourself, your life before Pinoy Big Brother.
Sam: I honestly don't know where to start. Well I'm from the city of Troy, that is in the state of Ohio, USA for the benefit of those who are totally ignorant on US Geography. I'm twenty one years old; I model and one of my recent works was for the Close up campaign where I worked with Barbie Almalbis.
Jopeth: Oh that's why you look familiar, you're the closeup guy! What do you think of Barbie Almalbis? I think she's hot.
Sam: Isn't she a lesbian or something?
Jopeth: I honestly don't know. You think?
Sam: Yeah dude, I mean while we were taking a break from shooting that bus scene, she was sitting across this hot female production assistant and she had her toes up the girl's crotch man. Sick!
Jopeth: ...
Sam: Yeah man, I know. Listen, you're not going to publish this right? I mean I hope you edit it first, I don't want to come off as an asshole and all.
Jopeth: Of course, of course. Okay so tell me about life at the Big Brother house? What was your first impression of the people you were gonna live with?
Sam: Well I was raised in America and I looked at them how America taught me to look at Filipinos: They're quaint little creatures who live in huts made of straw and clay speaking in a retarded language nobody could understand.
Jopeth: ...
Sam: Yeah dude, except for Uma of course, he's pretty cool because he's from Israel and can speak good English.
Jopeth: So how was your relationship with Uma?
Sam: Like I said, Uma's pretty cool. If only he weren't gay.
Jopeth: Did I hear you right? Did you say Uma's gay?
Sam: Okay listen...can you turn that tape recorder off for a second? Yeah he's gayer than a queer fetus man. There was this one time I was taking a bath, you do know that we're not allowed to lock the bathroom door when we're taking baths right? We just hang a sign outside to let people know that the bathroom is occupied. Anyway, Uma comes barging in and just sorta looked at my dick. It was crazy man I tell you.
Jopeth: Maybe it was just an accident man.
Sam: You know I could say that if only I hadn't caught him masturbating in the room that night moaning "Sam...uhhhh...Sam..."
Jopeth: I find that really....disturbing.
Sam: You have no idea dude. I mean finding a dead body in your room is disturbing, watching a man shot to death in front of you is disturbing; but walking in on a guy jacking off while moaning your name? That's just plain sick.
Jopeth: I agree. Anyways, I'm short on time. One last question for you Sam: What do you think about the entire Pinoy Big Brother experience and how it affected your life?
Sam: It's pretty cool I guess. I mean I find it amazing how a show as lame as this can brainwash millions and millions of viewers and how it can aggrandize my, and the other house mate's existence into something phenomenally interesting. I mean back in the states I was practically a nobody; flippin' burgers for McDonald's; my classmates back in high school calling me a 'gook' or 'pearl harbor bomber'. But here, man, it's awesome! I'm a fucking superstar! And I have PBB to thank for this!
Jopeth: ....
Ang panayam sa taas ay pawang kathang isip ko lang. Parody lang yun, kaya wag niyo akong idedemanda!
Tinopak si Jopeth noong: 6:18 PM
|
Thursday, November 17, 2005
Si Willie Revillame: Ang pinakamagaling na Host sa Balat ng Lupa, Hindi, Sa Buong Kalawakan
Si Willie “Wowowee” Revillame na siguro ang pinakamagaling na host sa buong mundo. Siya na malamang ang pinaka-depinisyon ng pagiging isang magaling at mahusay na TV host. Kung may level lang sa kahusayan sa larangan ng pagho-host, si Willie ay nasa ultrahigher-than-any-imaginable-ever-imagined-level-to-the-max level. Eh kung legible nga lang siya para maging santo, malamang isa nang diyos si Willie.
Si Willie Revillame na siguro ang tinuturing na Alpha Male ng mga TV Hosts.
sarcasm[sr kàzzəm] noun - remarks that mean the opposite of what they seem to say and are intended to mock or deride.
Hindi ako galit kay Willie Revillame. Dahil wala namang siyang ginagawang masama sa akin. Pero sa tuwing nakikita ko siya sa TV at nagho-host ng isang show, para kong nakikita si Bro. Mike na naka-marijuana at naka-laugh trip palagi, at halos hindi ko mapigilan ang sarili ko na masuka kaya ang ginagawa ko ay nilulunok ko na lang ulit. Darn, sa tuwing nakikita ko siya sa TV, kailangan ko pang igapos ang sarili ko bago pa man magsimula ang show, para lang sa kapakanan ng aming telebisyon yunit.Sa tuwing magjo-joke siya ng ubod ng corny at pipilitin nyang tumawa ang mga tao, iniisip ko na lang na mabuti at hindi siya ang presidente natin, kaya hindi ko na itinutuloy ang paglaslas ng aking mga braso. Yung tipo ng pag-ho-host nya eh sa sobrang boring, mas masaya pa ang umattend ng libing ni kuya Cesar.
NOTE: Sa mga El Shaddai members,wala akong galit o kahit na anumang laban kay Bro. Mike at sa organisasyon nyo, pwera lang dun sa kalat na iniiwan nyo sa mga prayer rally ninyo. Sa katunayan, marami akong mga kaibigan, mga kakilala, binu-bully at pinagkakautangan na mga miyembro nyo. Maganda ang organisasyon nyo kasi malaki ang naitutulong nyo sa industriya ng itlog at payong. Ok din kasi kung saan kayo nagkakaroon ng prayer meeting, eh siguradong malakas ang komersyo sa lugar na yon. Problema lang pagkatapos ng gawain nyo eh wala kayong “cleaners”. At aminin na ninyo, na pangit talagang pumorma si Bro. Mike. Atleast sa sarili ko lang opinion. Peace brothers!
Anyway, balik tayo kay Mr. Wowowee
Pero bakit ba ako galit kay Bro. Willie? Let me count the ways.
Una, mababaw mag-joke. Medyo mababaw yung rason, pero importante ang joke kapag ikaw ay isang host. Lalo pa’t “kwela” ang brand ng hino-host mo. Yung joke nya, kahit bata hindi natatawa. Kung walang cue ng director na dapat tatawa na, hindi malalaman ng audience nya kung kelan tatawa at papalakpak. Kung hindi naman corny ang joke nya, dinadaan nya na lang sa toilet humor. Pero yung toilet humor nya ka level ng pambomba ng inidoro. Isa siyang Joey De Leon wanna-be. Si Joey De Leon, kahit nagre-resort din sa mga green jokes, eh pag-iisipin ka muna. May lalim. Pero kay Willie, kasing lalim lang ng pinitpit na tansan ang mga jokes nya.
Pangalawa, magulo magsalita. Isa sa mga dapat na maging katangian ng isang hosts, bukod sa sexy outfit, eh malinaw dapat magsalita at naiintindihan ng tao ang gusto nyang sabihin. Kasama ng projection ng boses ang context ng sinasabi. Kapag hindi naiintindihan, walang silbi ang gandang lalake (na wala din siya). Sa mga nakakapanood ng PBB tuwing sabado, maoobserbahan ninyo kung ano ang ibig sabihin ko. Nito lang nakaraang Eviction Night, maling mali ang pagkakadeliver nya ng linya upang ipabatid kung sino ang natanggal.
Pangatlo, masyadong siyang egoistic. Bakit? Yung show nyang Wowowee ay walang maisip ipatugtog kundi ang mga kanta nya sa kanyang album! At hindi pa nasiyahan duon, at pinapakanta pa sa kanyang buong staff! Sa tuwing nakakapanood ako ng show nya, naaawa ako kay Iya Villaña. Siguro madami siyang baong Tiger Balm, para maiwasan nya ang maya’t mayang pagkahilo gawa ng pagbaliktad ng sikmura sa tuwing kakantahin nila ang “Peep! Peep! Peep! Ang sabi ng Jeep! Peep! Peep! Peep! Peep! Peeeeeep!”. Ilang beses na kaya nya nilunok yung sarili nyang suka? Yung mga tao sa studio, kaya lang naman napipilitang maki-kanta kay Willie ay dahil sa pinamimigay nyang dollars. Kahit ako makiki-kanta din ako, para lang sa dollars.
Habang sinusulat ko ito, iniisip ko rin kung ano ang gagawin ko sa kanya para makaganti sa kalungkutang idinudulot nya sa aking buhay sa tuwing napapanood ko siya. At pagkatapos ko maisulat yung last sentence na yon eh nakaisip na ako. Galing ko talaga.
Duduraan ko siya. Kapag magkakasalubong kami sa daan ay biglang ko siyang duduraan sa mukha at tatakbo ako ng matulin. Ang pagdura sa mukha na yata ang pinaka-degrading na pwede mong magawa sa isang tao. Pangalawa lang ang sapilitang pagpapahalik sa paa at pangatlo ang pagsaboy ng tubig na may kasamang “you’re nothing but a trying hard copycat” dialogue.
Autograph humiliation. Pag nag-mall tour sya, magpapa-autograph ako sa kanya. At pagkatapos na pagkatapos nyang pirmahan, pupunitin ko sa harap nya ng maraming beses. At habang nakatunganga siya sa papel na pinunit ko, duduraan ko na rin sya sa mukha at tatakbo ako ng matulin.
Ultimate Dream: Kukunin ko siyang host sa birthday ko Pag-mayaman na ako, in the near future, kukunin ko siyang host sa birthday party ko. At habang naghohost siya ng party, na sigurado namang magiging boring, eh babarhin ko siya palagi. Yung tipong hindi pa siya tapos sabihin yung bawat sentence niya, eh bigla-bigla ko na lang siyang mumurahin. Tapos ipe-pressure ko pa siyang magsabi ng mga jokes at bawat joke niya eh sasabihin kong “aaaahh, hindi naman nakakatawa yun eh..” at babatuhin ko siya ng itlog. Yung nilaga. At habang umiiyak siya sa harap ng stage dahil sa kahihiyan at realisasyon na hindi talaga siya magaling/marunong maghost ng isang show, eh duduraan ko na rin siya sa mukha.
Tinopak si Jopeth noong: 7:25 PM
|
Thursday, July 28, 2005
Ako'y Isang Baliw
Tinopak si Jopeth noong: 1:01 PM
|
Thursday, July 21, 2005
De-evolution
Me and my high school buddies are so impressed with Charles Darwin's theory that we decided to formulate our own Darwinian principle, and we called it "THE HIGH SCHOOL THEORY OF EVOLUTION"
Pretty and popular girls from high school we'll be ugly few years after graduation, while unpopular and ordinary ones will "evolve" and be pretty afterwards.
Some might disagree with us, but more or less, our theory proves itself to be correct. Five years after our high school and with the invention of various friend networks, we managed to track down some of our high school classmates who we thought to have disappeared into oblivion of college life. Once again, our theory of evolution proved itself correct. Our unpopular or ordinary looking classmates turned to be real hot after few years in college. Whoah! Is college life making all these girls hot or what?
Well, as for our popular and pretty classmates, how did they turn out? They turned out horrible. Some looked a heck fat, some looked like coke junkies, others looked like zombie whores overworked from being kocked up too much. In other words, they looked horrible compared to our unpopular classmates.
A good example of this is my high school crush, Angelica. The last time I saw her was our high school graduation. I haven'et seen her ever since. With the invention of friend networks, I was able to track her down. And oh my God, she looked horrible. She's not ugly, she's FUGLY, as in FUCKING UGLY! She looked so fat, as if she got knocked up and got pregnant a dozen times. Well, serves her right. She's such a bitch back in high school. Now, she's earning the rightful karma for her actions.
"THE HIGH SCHOOL THEORY OF EVOLUTION", you proved yourself correct again.
Tinopak si Jopeth noong: 7:25 PM
|
Thursday, July 07, 2005
Da Vetsin Code
Halos isang buwan na ang lumipas mula nung naisipan kong pag-ipunan ang betseller na libro ni Dan Brown na Da Vinci Code. Kaya mula noon ay pinilit kong ipunin ang aking kakarampot ng allowance para sa pagdating ng birthday ko (which is sa July 23) ay mabili ko na yung nasabing libro.
Unfortunately, mahirap talaga mag-ipon. Not to mention na napakaraming gastos (at bisyo). Kaya feeling ko tuloy, aabutin ako ng pasko (o kaya'y bagong taon) bago ko mabili yun.
Buti na lang at naimbento ang internet.
Salamat sa aking mahiwagang software na kung tawagin ay iMesh, nakadownload ako ng PDF format ng Da Vinci Code, FOR FREE!!!!
Huwaw!!! What an owfa! Salamat sa makabagong teknolohiya, hindi ko na kinakailangang gumastos pa!!!
Coming soon...review ng Da Vinci Code, pag natapos kong basahin.
Tinopak si Jopeth noong: 6:43 PM
|
Thursday, June 16, 2005
Awww... how sweet naman...
Pinost ni Jam, ang aking pinakamamahal na girlfriend, ito sa kanyang blog sa Friendster. Pagpasensiyahan na kung maraming mga typo.
this was really a wonderful day for me..sobrang saya ko..kasi finally, napakilala ko na kay mama ung bf ko..hehe..and guess what, ok lng siya sa mom ko..and i ho[pe na maging ok din su\iya sa dad ko pag pinakilala ko na siya..kasi i really love him so much..sa kanya ko lang naranasan na maging masaya (except from the love of God and my family).. and sana magtagal talaga kami and walang iwanan, as what we've promised to each other.i really thank God 'coz i met a guy like him..kasi parang lahat na ng hahanapin mo sa isang guy eh nasa kanya na lahat.. mabait, gentleman, sweet, understanding (sobra!), caring, loyal, and most of all ang sarap magmahal.. pero cyempre, i'm still praying for him para maging kami na nga talaga... FOREVER!!!
I LOVE YOU JAM!!!!!
Tinopak si Jopeth noong: 3:19 PM