M e m o r i e s
|
Wednesday, March 31, 2004
New Blog
Okay, may problema blogger ko. Mukhang ayaw niya tumanggap ng ibang posts. Kaya ganito na lang ang ginawa ko, from this day forth, ang LAMENTATIONS OF A FOOL ay magiging parang diary ko na lang. Yung ng poems at compos ko ay nilipat ko sa bago kong blog page, ang LAMENTATIONS OF MORE FOOLS. Para organized na rin ang dating di ba? okay, yun lang. Oh you can see the URL of the LAMENTATIONS OF MORE FOOLS sa links section ko.
Tinopak si Jopeth noong: 7:07 AM
|
Saturday, March 27, 2004
Tanong lang po!!!!!
Isang tanong ang palaging bumabagabag sa akin mula sa pagkabata ko. ANO BA TALAGANG KLASENG CREATURE SI GRIMACE NG MCDO???. Tingnan niyo kasi, kung ube si Grimace, ano naman ang nirerepresent niya? Wala naman kasing ube sa menu ng McDo. Hindi namam nagtitinda ng halayang ube yung McDo. Sabi naman ni Tintin, sea urchin daw siya. Sea urchin?! May sea urchin bang ube?! Ang labo kasi eh. Hindi ako matatahimik hangga't hindi nasasagot ang tanong ko na ito. Kaya kung sino mang makabasa ng post na ito at nakakaalam ng sagot dito, pakipost na lang sa comment box. Please!!!! Salamat pow!!!!
Tinopak si Jopeth noong: 9:43 PM
|
Friday, March 26, 2004
WANTED: Real Guitar Pick
Mula natuto akong mag-gitara ay hindi pa ako nakararanas na gumamit ng totoong pick ng gitara. Madalas ay tumutugtog ako ng walang pick. Pero medyo namaltos na rin ang daliri ko kaya naisipan kong gumamit ng pick. Kaya lang, ang problema, mahirap lang po kami. Ang mahal kasi ang pick eh. Hindi ko maatim na magtapon ng singkwenta pesos para sa isang maliit na piraso ng plastik (pero hindi ko alam kung bakit nagtatapon ako ng daang-daang piso sa kalalaro ko ng Ragnarok at Magic cards).
Kung ang mga ibang gitarista eh iba-iba ang pick na ginagamit depende sa piyesa na kanilang tinitipa, ako din ay may iba’t-ibang uri din ng pick. Eto sila:
1.) For strumming purposes, Infocom Internet card, Ragnarok Prepaid, PLDT Touch Card, Smart or Globe Prepaids, at kahit anong malambot na prepaid cards- malambot kasi, okey pag strumming.
2.) For plucking purposes, PLDT Fone card (yung makapal na may SIM na nakakakabit dun, para sa mga PLDT phone boots), mga lumang ATM cards, mga lumang credit cards- matigas pero flexible kasi. Kapag masyadong malaki, gugupitin ko na lang para maghugis pick.
O di ba?! Either resourceful lang akong tao o talagang maaawa ka sa akin dahil wala akong pambili ng pick, o iisipin mo na napakakuripot kong tao. In any either ways, isa lang ang masasabi ko sa makakabasa ng post na ito: please, maawa po kayo. Donate your old and used guitar picks to me...pls leave a post in the comment box if you’re that generous enough to donate...thank you!!!!
Tinopak si Jopeth noong: 9:31 AM
|
Scooter Girl
Isang hapon, nasa ako sa bahay nila Tintin. Sa bahay nila kami gumawa ng groups project namin sa Physical Science. Pagkagawa ng project namin, naglaro muna ako ng Yu-Gi-Oh, tapos Ragnarok Online sa PC niya. Tapos ng ilang chummihan at kung anu-anong anik-anik, napansin ko na alas-tres na pala ng hapon. Naalala ko na may klase pala ako sa Philippine Literature ng 3:30. Kaya dali-dali akong tumayo at nagpaalam sa kanya. Ganito ang naging eksena namin:
Cast of Characters:
Jopeth:(ako)
Tintin:(karelasyon ko)
Setting: Somewhere in Olongapo City
Tintin: Hun, sumabay ka na lang sa akin, pupunta rin ako sa school.
Jopeth: O tara na pala, papara na ako ng dyip.
Tintin:Huwag na, angkas ka na lang sa scooter ko. Mag-iiscooter ako papunta sa school.
Jopeth: Ano?! Ako, aangkas sa scooter mo?! (sabay tingin sa puting Yamaha scooter ni Tintin) Hun, nakakahiya naman yata yun. Ako yung lalake, tapos ako yung naka-angkas...?
Tintin: Okey lang yun. Ano namang pakialam ng mga tao sa atin?
Jopeth: *sighs sabay kamot sa ulo* Sige na nga...o tara na pala. (sabay sampa sa likod ng scooter)
(Sakay na rin si Tintin sa harap, tapos inistart yung makina, ako naman kapit sa baywang niya, mukha kaming gago no?)
Napansin ko na medyo masyadong mabilis ang patakbo ni Tintin. Parang pinipiga niya na yung silinyador ng scooter. Eh natural ako naman eh kinakabahan. Paano nga naman kung tumilapon kami, e di patay kami pareho. Kaya napakapit ako sa kanya nang mas mahigpit.
Jopeth: HOY TIN!!!!! MAG-MENOR KA NAMAN!!!!!
Tintin: ANO???!!!!
Jopeth ANG SABI KO MAG-MENOR KA NAMAN!!! PINIPIGA MO NA YUNG SILINYADOR!!!!
Tintin: ANONG SABI MO???!!!! HINDI KITA MARINIG!!!!!! MAINGAY!!!!
Jopeth: ANG SABI KO BAGALAN MO ANG PATAKBO MO!!!!!!
(Sabay biglang nag-break si Tintin. Halos tumilapon ako paharap.)
Tintin: (harap sa akin) Anong sinasabi mo kanina? Hindi ko marinig eh.
Jopeth: Ang sabi ko mag-menor ka naman. Wag mong pigain nang todo yung silinyador.
Tintin: Ah ganun ba? O sige. Pero kailangan na nating magmadali. Male-late ka na sa class mo.
Jopeth: Di baleng late basta makarating ako nang buhay dun...
Tintin: O sige na po.
Tapos patakbo ulit. Mukhang hindi naintindihan ni Tintin yung sinabi ko sa kanya. Mabilis pa rin ang takbo niya. Feeling parang sa TORQUE yung scooter niya, nagliliyab yung kalye na dinadaanan namin.
Jopeth: PUTANGINA TIN!!!! BAGALAN MO NAMAN!!!!
Tintin: HA???!!! ANO???!!!!
Jopeth: MAMAMATAY AKO SAYO!!!!!
Tintin: ANONG SABI MO????!!!! MAINGAY YUNG MAKINA!!!!
Jopeth: MAGMENOR KA SABI!!!!!!
Tintin: ANO???!!!!
Jopeth: TANGINA, TIN!!!!! MAY HUMP!!!! MAGMENOR KA!!!!
Tintin: ANO???!!!!
Jopeth: PUMRENO KA!!!! MAY HUMP!!!!
Tintin: ANO????!!! ANONG SABI MO???!!!!
Jopeth: ANG SABI KO, BAGALAN MO!!!!!! MAY HUMP...
Biglang dumaan kami sa hump ng hindi man binabagalan ni Tintin yung scooter. Halos tumilapon ako sa kinauupuan ko. Umumpog puwet ko sa upuan. Masakit!
Jopeth: ITABI MO TIN!!!! IHINTO MO ITO!!!!
Sa wakas at narinig din ako ni Tintin. Inihinto din niya sa tabi ng daan ang scooter. Badtrip akong tumayo at naglakad palayo sa kanya.
Tintin: Ano na naman ang problema mo?!
Jopeth: Tangina, magdyi-dyip na lang ako! Mas mabuti pang ma-late ako kesa sa mamatay ako sa daan! (sabay lakad palayo)
Tintin: Ah ganun, ngayon lalayasan mo ako?!
Jopeth: Oo! Tangina, mamamatay tayo sa ginagawa mo eh!!! Alam mo ba yung ibig sabihin ng salitang "Slow Down"? Alamin mo ha!! (sabay lakad papalayo pa sa kanya)
Matagal din siyang tahimik dun, parang galit na nag-iisip na hindi ko maintindihan. Maya-maya ay nakonsensiya din ako sa sinabi ko sa kanya, kaya lumapit na din ako sa kanya.
Jopeth: Tin...
Jopeth & Tintin: (sabay) I'm sorry...
Jopeth: Next time naman bagalan mo naman yung patakbo mo. Baka mamaya mamatay tayo sa ginagawa mo eh.
Tintin: Sige na po. O ayan, sakay ka na ulit.
Sumakay ako ulit sa likod ng scooter. Napansin ko na medyo mabagal at normal na ang patakbo ni Tintin. Nang makarating kami sa parking lot ng school, bumababa ako at sinabi ko ito sa kanya bago ako umalis at pumasok sa klase ko:
Tintin: Tin, may driving lessons ngyong summer. Baka gusto mong pumasok dun?
Tawa ako sabay pabirong bato sa akin ni Tintin ng susi niya ng scooter , na naiwasan ko naman.
Tinopak si Jopeth noong: 9:28 AM
|
Monday, March 22, 2004
UPCAT, the UP cat
Namimiss ko si Upcat, si Upcat, yung pusa namin sa UP noon (hindi yung entrance test sa UP, paano mo mamimiss yun eh ang hirap-hirap!!!). Actually, isa siyang kulay orange na pusa na madalas makitang pagala-gala sa upper at lower canteen ng UP Baguio lalo na pag lunch time para manlimos ng pagkain sa mga nanananghaliang mga estudyante. Kung minsan, nandun siya sa Biology Lab namin habang pinapanood yung mga kapwa niyang pusa na dini-dessect namin (ano kaya ang feeling niya sa mga oras na yun?). At sa pagdating ng hapon, nandun siya sa corridor ng Iskolar ng Bayan building, pinapanood ang paglubog ng araw bago siya bugawin at paalisin ng janitor namin.
Una kong nakita si Upcat noong nananghalian ako sa upper canteen kasama mga comrades ko sa ANAKBAYAN. Lumapit bigla siya sa akin at kiniskis ang katawan niya sa paa ko. Napatingin ako sa kanya at natuwa naman ako, palibhasa mahilig ako sa pusa. Tinanong ko sa mga comrades ko kung ano ang pangalan niya, at nalaman ko na siya si Upcat (origin ng pangalan niya: UP- school namin, Cat-kung anong creature siya). Kaya kumuha ako ng piraso ng braised beef na ulam ko nun at ibinigay sa kanya. Kinain niya naman kaagad yun at tumingin sa akin na parang nagpapasalamat sa masarap ng braised beef.
Pagkatapos nun ay madalas na kaming nagbobonding ni Upcat. Madalas ay kasama ko siya sa corridor habang nagrereview ako. Kasama ko rin siya sa mga gawain namin at kampanya. Noong kaiinitan ng student council election namin ay ginamit namin siya bilang campaign material. Kinabitan namin siya ng tag na may nakalagay na "VOTE STRAIGHT ACS TICKET!!!" (ACS-Alliance of Concerned Students, student party namin) at pinagala sa upper at lower canteen. Tapos noong kainitan ng kampanya namin sa Abolish ROTC movement, kinabitan din namin siya ng tag na may nakalagay na "ABOLISH ROTC!!!!" at pinagala siya sa tapat ng HQ ng mga officers. Kung makita mo lang ang mukha ng mga officer pagkatapos nila makita si Upcat.
Kasama ko rin siya sa mag oras na pinakamalungkot ako. Noong isang hapon, nag-away kami ng ex ko. Badtrip na badtrip ako sa buong mundo noon. Tumambay ako sa may corridor. Biglang may narandaman akong parang mabalaahibo na kumikiskis sa paa ko. Si Upcat lang pala. Kinuha ko si Upcat at hinimas ang kanyang ulo. Sa mga oras na yun, parang nawala ang badtrip ko nun. Stress relieving talaga ang pag-aalaga ng mga pusa. Kaya tuwing pagkatapos ng klase ko sa hapon ay lagi kong pinupuntahan si Upcat sa tinatambayan niya sa corridor para makipag-bonding sa kanya.
Lumipas ang mga panahon, kailangan kong lisanin ang UP sa kadahilanang personal. Halos mangiyak-ngiyak na akong nagpaalam sa mga comrades, brods, sisses, katropa, at iba pang mga taong close sa akin. Pinilit kong huwag umiyak. Dala-dala ko ang gamit nun at nag-aantay ako ng Victory Bus papuntang Olongapo sa tapat ng UP. Nang dumating na ang isang bus at pasakay na ako, lumingon ako at nakita ko si Upcat. Nakatingin siya sa akin, na para bang nagpapaalam din. Doon na tumulo ang luha ko na mabilis kong pinawi. Mabilis akong sumakay ng bus at doon sa upuan ko ako tahimik na umiyak.
Dalawang taon na ang lumipas at medyo naka-recover na ako sa paglisan ko sa aking pamantasang mahal. Bigla kong naalala si Upcat nang nagtanong si Gail, yung nagturo sa akin kung paano gumawa ng blog, kagabi kung taga-UP ako. Sa sandaling iyon, parang rumaragasang tubig na unagos lahat ng alaala ng UP. Pati si Upcat ay namiss ko. Sa aking pagtulod kagabi, isa lang ang hiniling ko: sana hindi dinissect ng mga biology students si Upcat, o kaya ginawang siopao ng Upper Canteen.
Tinopak si Jopeth noong: 3:12 PM
|
Saturday, March 20, 2004
PUTANGINANG FRAME-UP YAN!!!!!!
Anak ng putanginang yan!!! Ano pa ba ang mas malalang pwedeng mangyari sayo maliban sa maframe-up ka? Natural, ang ma-frame up ka sa isang bagay na wala kang alam. Akalain mo ba naming mapagbintangan akong hacker ng mga account sa Ragnarok Online eh ni hindi nga ako marunong mang-hack eh (simpleng HTML language nga eh medyo bobo pa ako eh).
Kahapon, ang saya-saya kong naglalaro ng Gunbound doon sa Crash and Burn Net and Gaming Cafe dito sa amin sa Olongapo. Tapos biglang sumingit yung putanginang may-ari ng cafe, coming out of nowhere, at bigalng singhalan ako ng ganito, "Hoy, bat tumatakbo yung RagnarokHack.exe diyan?!". Natural, natulala ako, medyo gulelat sa nangyari. Ang naisagot ko na lang eh, "Huh? Anong RagnarokHack.exe?!". Tapos itinuro sa akin sa toolbar yung icon sabay, "Ayan o, tanga!". Okey na sana ang lahat kung hindi lang ako tinawag na tanga ng ungas na yun. Natural, although medyo galit na ako nun at gusto ko nang bigwasan si Kupal, pinigil ko naman ang sarili ko. Patuloy pa rin ako sa paglalaro ng Gunbound na parang walang nangyari (na kung saan ay medyo sinwerte ako nun nang mga araw na yun, imagine 3 kills in a row ako?!).
Tapos bigla pa naman akong paalisin sa PC ko at palipatin sa kabilang PC. Hindi ko na lang pinansin dahil medyo busy ako sa Gunbound career ko nun, so lumipat naman ako. After some few minutes, napansin ko na medyo abala yung ungas na yun sa pagdudutdot dun sa dati kong PC. Nang mukhang natapos na siya at mukhang dinelete niya na yung RagnarokHack.exe, napasigaw siya nang parang nagpaparinig sa akin ng, "Yes!!! Akala mo, putangina ina ka!!!". Aba’y gago pala to eh. Medyo nag-iinit na rin ako nun, pero ayaw kong manapak at that time dahil medyo umiiwas na ako sa gulo. Kaya tumayo ako nun at galit na lumapit sa may-ari, "Kuya, out na ako. Isang oras na rin ako." Inabot ko kagad yung kahuli-huliang bente pesos mula sa allowance ko at lumabas ng café upang mag-yosi para mawala ang sama ng loob ko dun.
After some few hours, medyo nalimutan ko na rin yung insidente dun sa cafe, nakita ko si Rainier, isa sa mga kasama ko dito sa Anak ng Bayan (political ad: IBOTO ANAK NG BAYAN SA PARTY-LIST!!!). Sinabi niya sa akin na banned na daw ako dun sa Crash and Burn kasi hacker daw ako. Putanginang yan!!! Ako?! Hacker?! E ni hindi nga ako marunong ng kahit anong programming language eh (maski simpleng HTML bobo ako eh, kaya tingnan niyo, ang pangit ng blog ko). At saka ang alam ko lang na paraan para ma-hack ang isang account sa Ragnarok eh yung pinaka-primitive at sinaunang paraan pa, at yun ang silipin ang password nung kawawang player para pasukin at nakawin ko ang gamit. O kaya naman ay umupo ako dun sa kalye ng Prontera at mang-scam ng isang bobong player (for non-Ragnarok players, bahala na kayo kung paano kayo makakarelate). Pero hindi eh, malinis ang kalooban ko!!! Putangina, aanhin ko naman yung mahahack kong file??? Ibebenta??? E ni yosi nga hindi ko maipambibili nun eh.
Kaya alam niyo kung ano ang gagawin ko? Pupunta ako kay Epoy, yung best friend ko, at magpapadownload sa net ng installer ng Gunbound, tapos ipapaburn ko na lang sa CD para iinstall ko na lang sa bahay. Puta, ano ngayon kung I-ban nila ako ngayon doon? Ang masasabi ko, NAWALAN SILA NG ISA PANG CUSTOMER DAHIL SA KATANGAHAN NILA!!! Ang hirap pala ng napagbibintangan, kung ako kaya ay ganun kaya kadali pagbintangan at hatulan, paano pa kaya ang ibang walang kakayahan na ipagtanggol ang kanilang sarili...?
Tinopak si Jopeth noong: 4:43 PM
|
Short Post...dulot ng puyat at kabangagan
Si Tintin, ang aking GF, ay dean's lister. Ako ay dean's lister din, kaya lang sa listahan ng mga notorious na estudyante at aktibista...hehehehe...asteeg...!!!
Tinopak si Jopeth noong: 12:11 AM
|
Thursday, March 18, 2004
Fear Factory
Putanginang Fear Factor yan, tingnan mo naman kung gaano kadesperado yung mga tao na kumita ng pera. Imagine, are you really stupid enough to get almost burned, crushed, decapitated, and eat disgusting things for a million bucks? Of course, pera din yun. At natural, ratings din yun. Kaya ewan ko ba kung saan hinugot ng writer ng Fear Factor yung napakatalinong concept na iyon. Minsan nakakatawa dahil may mga bagay na nandidiri yung mga putanginang Kano na yan kung saan ay normal na ginagawa ng isang pangkaraniwang Pinoy (remember the episode where those stupid Yankees were freaking out over eating a balut egg?). But who cares? That’s stupid entertainment. The viewers are in an eternal search of something novel and stupidly entertaining. As long as it gathers ratings, it’s gotta be good.
There’s was one episode where a cute blonde model was put inside a coffin-like box lying while tons of worms and insects were being poured unto her. Parang gaga kung magsisigaw yung babae, feeling mo parang nirereyp. Ganito ang sigaw niya:
AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! EEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHH!!!!!! LET ME OUTTA HERE!!!!!!! AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! EEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHH!!!!!! LET ME OUTTA HERE!!!!!!!
AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! EEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHH!!!!!! LET ME OUTTA HERE!!!!!!! AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! EEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHH!!!!!! LET ME OUTTA HERE!!!!!!! AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! EEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHH!!!!!! LET ME OUTTA HERE!!!!!!! AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! EEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHH!!!!!! LET ME OUTTA HERE!!!!!!! AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! EEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHH!!!!!! LET ME OUTTA HERE!!!!!!! AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! EEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHH!!!!!! LET ME OUTTA HERE!!!!!!!
Ngayon pumikit ka…imagine mo yung mga sigaw ng babaeng yun e sigaw ng mga Pilipino kapag at kung sakaling (knock on wood!) manalo si FPJ bilang presidente at magkaleche-leche ang ekonomiya natin:
AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! EEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHH!!!!!! LET ME OUTTA HERE!!!!!!! AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! EEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHH!!!!!! LET ME OUTTA HERE!!!!!!!
AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! EEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHH!!!!!! LET ME OUTTA HERE!!!!!!! AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! EEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHH!!!!!! LET ME OUTTA HERE!!!!!!! AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! EEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHH!!!!!! LET ME OUTTA HERE!!!!!!! AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! EEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHH!!!!!! LET ME OUTTA HERE!!!!!!! AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! EEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHH!!!!!! LET ME OUTTA HERE!!!!!!! AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! EEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHH!!!!!! LET ME OUTTA HERE!!!!!!!
Convincing, di ba?
Tinopak si Jopeth noong: 5:19 PM