M e m o r i e s
|
Thursday, April 29, 2004
The Saints Strike Back!!!!
Naalala niyo ba yung naikwento ko sa inyo tungkol sa mga santong lumusob sa bahay namin (see yung post ko na yun sa baba)? Well, mabuti na lang at umalis na sila sa bahay namin noong lunes. Akala ko ay ligtas na ako sa mga santong iyon nang malaman ko na lumipat pala sila diyan lang sa bahay ng tita ko sa lob ng compound namin. Shet! Obligado pa rin akong mag-lead ng mga dasal at rosary!!! Tapos habang nagdadasal kami, feeling ko eh kinakausap ako ng mga santo. Malamang, ganito ang sinasabi nila sa akin:
Jesus Christ: Hehehehehehe!!!! Gusto mong ipako kita rito sa krus ko??!!! You freakin' atheist!!!!
Mama Mary: Hindi ka pala naniniwala sa tatay ng anak ko ha?! Gusto mong isuksok ko sa pwet mo tong korona ko?!
Sto. Nino: Stupid atheist!!! Taste my divine wrath!!! Go get him saints!!!! (tapos lumusob yung ibang santo)
Sheet!!! Ayoko na talaga...kelan ba ako tatantanan ng mga santo?!
Tinopak si Jopeth noong: 3:15 PM
|
Wednesday, April 28, 2004
SA WAKAS!!!!
After almost 3 weeks of writing...after a week of heavy editing...and after days of delay... I'TS FINALLY HERE!!!!! Ang pinakahihintay ng lahat, ang aking blog fiction ay tapos na!!!!! Ang Samurai Files: Dreamweaver ay nakalabas na ngayon at maaari nang basahin. May Grand Launching Party dito sa Olongapo starring the Starstroke Kids, Rangk and Stinky, Star Pentagram Quest Teens, at si Jopeth 2, ang aking imaginary friend. Lahat ng pumunta sa Grand Launching Party ng Samurai Files ay nag-enjoy sa tone-toneladang pansit palabok na aking inihanda ko. Malamang marami sa inyo ay hindi nakapunta sa enggrandeng (kuno) launch party. Kaya basahin niyo na lang at mag-iwan kayo ng constructive comments para maimprove ko ang mga susunod na chapters ng Samurai Files. Matatagpuan siya sa Links Section ng blog na ito, o kaya'y pindutin mo na lang yung link na nakalagay sa baba:
- Samurai File: Dreamweaver- A Blog Fiction
Sige!!! PINDOT NA!!!!! Enjoy the story!!!
Tinopak si Jopeth noong: 2:08 AM
|
Monday, April 26, 2004
Oh Joy!
Kahapon ay naiisipan ko (sa wakas) magpalit ng bedsheet kasi medyo halos tatlong buwan na akong hindi nagpapalit ng bedsheet. Malamang eh mapanghi at mabaho na yun kaya parang napa-aleluya si Mama nang nakita niya akong nagpapalit ng bedsheet ng kusa at hindi pinipilit o hinahagupit. Kaya tanggal ng lumang bedsheet (na naninilaw at gray na ang kulay), at bungkal sa aparador para sa bagong bedsheet. Sa aking pagbubungkal ay may napansin akong puting bedsheet na nakaipit sa ilalim ng aparador. Kinuha ko yun and...OH JOY!!!! Iyon ang bedsheet na matagal ko nang hinahanap!!! Nakita ko na rin yung nawawala kong Ren and Stimpy na bedsheet na halos 5 taon ko nang hinahanap. Aba's akalain mo, nandito lang pala yung bedsheet ko na yun, nakatago for almost 5 years. Kaya sabayan niyo ako sa aking pag-awit ng "HAPPY HAPPY JOY JOY SONG", ready? Begin!
Happy happy joy joy
Happy happy joy joy
Happy happy joy joy
Happy happy joy joy
Happy happy joy joy
Happy happy joy joy
Happy happy joy joy joy!!!!
I miss Ren and Stimpy!!!!
Tinopak si Jopeth noong: 2:58 PM
|
Thursday, April 22, 2004
Creepy!!!
Dito sa baranggay namin, may kaugalian na kung tawagin ay Visita Domiciliaria. Eto yung mga grupo ng mga imahen ng santo ay nagpapalipat-lipat sa mga bahay dito sa baranggay namin. Ang mga imahen na ito ay maglalagi ng isang linggo sa mga bahay bago lumipat sa ibang bahay. Nagkataon na ang bahay namin ang natapatan ng mga ito. Kaya parang nilusob ng mga santo ang aming sala. Ang malaking mesa namin sa may sala sa tabi ng TV namin ang pinaglagyan ng mga santo. Para ding naging rainforest yung sala namin sa dami ng mga bulaklak na binili at isinabit ni Mama sa mga santo. Actually, mas mukhang sementeryo yung bahay namin sa dami ng mga kandila at bulaklak na nakalagay sa aming sala/altar/nitso. Plus pa yung mabaho at nakakabangag na insenso na sinusunog ni Mama tuwing magrorosaryo kami (yung insenso na ginagamit sa simbahan).
Kaya nga hindi ko maiiwasan na kilabutan minsan kapag nasa sala ako. Ewan ko ba. Tawagin niyo na akong satanista, anti-religious, o atheist (actually, atheist naman talaga ako), but our sala really gives me the creeps!!! Imagine mo, all star cast lahat ng mga santo dito. Nandiyan si Jesus Christ na nakapako sa krus with realistic depiction of blood and bruises (not to mention crystal eyes which sprakles everytime you gaze upon it). Si Mama Mary, si Sto. Nino, si San Lorenzo Ruiz, at iba pang santo na di ko kilalala. Pag tumitingin ako sa mga mata ng mga santo, parang tumitingin din sila sa akin. Ewan ko ba kung paranoid lang ako o nababaliw na ako. Kaya nga minsan eh natatakot akong bumangon pag gabi para umihi dahil dadaan muna ako sa sala namin bago ako makapunta sa CR namin. Sheet!!! Hindi ko na matiis yung amoy ng bulaklak at insenso. Natatakot ako na baka mabuhay yung mga santo at patayin ako kasi I've been a hardlined atheist since i was in 3rd year high school (bindikatibo ba yung mga santo?). Kaya ngayon eh medyo nagsisisi na ako bakit pa naging Katoliko mga magulang ko...(no offense sa mga mga hardcore na katoliko)
Tinopak si Jopeth noong: 7:16 PM
|
Wednesday, April 21, 2004
The madness continues...
Remember yung nakaraan kong post tungkol sa mga taong hindi marunong magsalita (see below)? Well, nagbalik sila, at mas nakakabaliw pa ngayon!!!! 'Ika nga ni Gail, mga kakaibang diyalekto na hindi naiintindihan ng mga normal na Pilipino. Kaya eto na sila kasama ng mga comments ko:
ohh u mean u made dat..ohh dats koo so so koo para naman kanino yan sa gf mo
- Koo? Whoa men, this blog is so KOO!!! YOU ROCK MEN!!! You are so KOO!!!!
hOw yOoh dOing Lately??
- YOOOHH!!!??? WTF?! Ang alam ko lang laruin eh YOOH-GI-OOOHHH (nyak, nyak, korni!!!)!!!
Part 1:
ows compise nang kanta..sge nga compose mo nga me nang kanta..para pag kinasal ako kanta ko yun...heheh..oki bah...
- Kaya naman ang sinagot eh sige, give me one week at gagawa ako, rock nga lang. Eto ang sinagot:
Part 2:
hello rock ka dyan sa kasal nga eh..as if naman kantahin ko yun noh...eh di nag wala ang mga bwisita ko noh...love song ka naman dyan...para mas astig dba...
- Ayaw mo yun?! E di naki-mosh din sana yung pari kasama ng mga "buwisita" mo. Any rap, R&B, rock, or pop song, basta tungkol sa love, love song tawag dun. Kaya maski igawa kita ng metal na love song, love song pa rin yun.
el0qq agenz...aihihihi.... naku!! sa pag gagawa ng st0ry at interview di k0 nga matap0s tap0s basahin pa ang p0etry na pag ke abah abah...nakuz!! kakashawa nga eh...hayyzz.....nayw ayz....im shure madunduh yunz..kasi mahy nabasa akong madunduh eh..per0 di k0 na tinul0y...aihihiih.. .tamadzk0 na ako eh...ahhihhiih.....t 0oink!* s0..nhu neymn u?? aiihih ingatzz
- Ang mensahe na ito ay galing sa isang nilalang na taga-planetang daigdig, hindi sa isang alien na galing sa Planet Aiur mula sa lahi ng mga Protoss na pinamumunuan ni Zerratul (kung di niyo ma-gets, maglaro kayo ng Starcraft). Inabot ako ng halos sampung mintuo para ma-decipher ko ang message na ito, kaya sana ay mabasa niyo rin ng matino.
EYELUVYOOH!!!!
- Mula umano sa pamangkin ni Gail. Eye loves me??? Sure, my eye will love you too!!!
Hehehe, ayan, natapos na naman ang isa pang kabanata ng mga kakaibang mensahe na nasasagap ko sa internet. Kaya antabayanan ang susunod na kabanata. Promise, more to come!!!
Tinopak si Jopeth noong: 4:30 PM
|
Tuesday, April 20, 2004
Me on TV Models
Whenever I look on the TV, I see the same TV models on every local network. Fair skinned, tall, long-legged, chinky-eyed, big boobed, so damn perfect TV models. They all look the same. They all project the perfect image that every human being in this country has been longing for. Whenever I see them, one question pop out of my mind: ARE THEY ALL MADE IN THE SAME CLONING FACTORY???
Tinopak si Jopeth noong: 7:29 PM
|
Friday, April 16, 2004
Mga taong hindi marunong magsalita ng tama
Kahapon, nagchachat kami ni Gail sa YM. Habang nakikipagchat ako sa kanya ay tinitingnan ko din yung guestbook ko sa dalnet.olongapo.ph, ang website ng mga chatters sa #olongapo, isang sikat sa IRC channel dito sa 'Gapo. May mga nakita akong mga message dun na, ummm, nakatawag ng aking pansin. Medyo kakaiba kasi. Isang hiphop chick ang nagpadala sa akin nito (hindi ko na sasabihin kung sino kasi baka mapadaan dito sa page ko). Natatawa na lang ako sa mga taong ito dahil pinahihirapan nila ang kanilang mga sarili sa paggawa ng mga ganitong message. Katulad na lang nito:
"nyahahahha...nyahaha ha.. sori huh kakatawa kc eh..nakakabaliw bah ung summer? ..ai nku boi shinaveh mew .. 22utz un noh .. well well well kaya mew yan .. ehehe..twagin mew lng c jose rizal ehehee..nuuuu rawwww ...?!! kashi di nag shashama e.. eheee.. "
Hahahahaha!!! Nak ng puta naman! Bakit pa ba kailangan ganyanin niya yung mga salita niya? Hindi ba mas matino kung sasabihin na lang niya sa straight Filipino para at least nagkaintindihan kami? Okay lang kung mga abbreviation basat at least medyo intelligible yung sinasabi, ang kaso hindi eh. Pero maski sabihin niya yung message niya in straight Pinoy, ang korni niya... Kaya nga hindi ko maintindihan yung mga hiphop pipol minsan kung bakit kailangan ng ganyang kagaguhan sa mga message nila. But don't take me for something else, I HAVE NOTHING AGAINST HIPHOPS. Hindi ko sinasabi na I hate them. It's just that i can't find anything to appreciate in them. I'm certatinly not a racist (HEIL HITLER!)! Natawa nga si Gail nung ipabasa ko sa kanya yung message.
Gail: ano ba yan, parang pusa
Jopeth: mew!!! pokemon yun ah!
Gail: mew! mew! arf! arf!
Jopeth: shinaveh??? wtf?
Hehehehe! Makulit talaga itong si Gail. Palibhasa kapwa ko rocker. Ehehehehe!!! Anyway, kung may naooffend dito sa aking isinusulat, WALANG PERSONALAN!!! Lahat ng isinusulat ko dito ay aking sariling opinyon lamang, AT WALA KAYONG PAKIALAM DUN!! BWAHAHAHAHAHAHA!!! *evil grin* Kung hindi pa kayo kuntento sa example na ibinigay ko sa taas, marami pa ako d2, with matching personal comments:
"ei tanx for da tag! appreciate it! so newaiz wat chu up 2??"
- Tanx??? Newaiz??? Chu??? Anu yun????
"hey der thx foe droppin by in mah page...yeh ill check ur site..laterz!!"
- Thx? Baka thnx... Parang one year old kasuap ko dito...bulol...hehehe!! Foe?? Di ba kaaway yun?? Di ba yun yung tumatakbo bilang presidente (hahahaha, ang korni ko talaga)? Sana wag na siyang dumaan dito kasi malamang baka mabasa niya itong comments ko. Laterz!! (pwe!)
"naku! nabasa ko nga ang website mo eh! nakakahilo kc lam mo un! ang daming babasahiN! aun hndi ko n lng binasa.. hahaha"
- Actually, wala namang mali sa grammar ng taong ito. Sadya lang talagang tamad siya magbasa kasi ayaw niyang basahin yung blog ko. Palibhasa kasi eh chatter, sanay sa short messages. Di tulad naming mga blogger, matiyaga magbasa at magtype. Kaya sa susunod, masanay na kayong magbasa ng mahaba.
"WeLcUm hEa......jUsT dO ViSiT mAh sPoT....HoLLa BaCk!!!!!!^cUtEgUrL^"
- Welcum??? Tangina, nambabastos ka ba o ano?! Isa ring one year old na hirap bumigkas ng letrang Y. Holla back? Okay...HOOOLLLLAAAA!!!! Bwahahahahahaha!!!!
"hi there !!!... zup ???... "
- Zup? Zip.
"WaRdUpz WeLcUm HuRr!! [[Peace AwT]]"
- Wardupz? Isa ring may speech defect na bata.
"HeLLOw.. ThaNKz FeR DrOpPen At MA GheE.. PEYZ"
- Peyz??!! Ano yan, peace, piss, pace, o pest??
"hey wussup just wanted to say hello well holla bak okay see yah mwahz"
- ...
At marami pang iba. Di bale, mag-iipon uli pa ako nang mga ganitong type na message para ipopost ko sa susunod. Meanwhile, wait kayo para sa part 2 ng post na ito. Nyahahahahahaha!!!!
Tinopak si Jopeth noong: 3:10 PM
|
Monday, April 12, 2004
Monthsary!!!
Alam ko baduy ito at masyadong mushy and cheesy, pero...MONTHSARY namin ngayon ni Tintin!!! *mushy grin* Hehehehe!!! Maski hindi mabasa ito ni Tintin, I just wanted to say na I LOVE YOU VERY MUCH HUNNIE!!!! Thank you for accepting for what I am, understanding my innate weirdness, and loving the music I love and joining me in the struggle I choose to fight for. I LOVE YOU HUN!!!!
Tinopak si Jopeth noong: 1:14 AM
|
Saturday, April 10, 2004
Happy (?)
Nagsidatingan bigla yung mga pinsan at mga tito' tita ko para sa aming swimming reunion. Biglang nabulabog ang peaceful na environment ng bahay ko. Ang aking kuwarto na nagsisilbing aking sanctuary ay na-desecrate nang lusubin ng mga maliliit at makukulit kong pinsan ang aking mga gamit. Buti na lang at natago ko ang aking gitara kundi malamang ay magkakapira-piraso yun ngayon. Ang aking kama ay ginawang trampoline/ wrestling ring/ basketball court/ playground. Pati PC ko ay hindi ko mabuksan kasi nakikiala yung mga pinsan ko. Kaya lumabas na lang ako sa sala, nanood ng TV, at hinayaang maghasik ng lagim ang mga makukulit kong pinsan.
After some few hours, inutusan ako ni Mama na ipasyal yung isa kong maliit na pinsan, si Arvy, around dito sa Olongapo kasi kanina pa siya nangungulit. Kaya ako naman, bilang "ulirang" pinsan, eh agad-agad na naligo at nagbihis para ipasyal si Arvy. Tapos nun, pumunta kami sa Jollibee, sa may arcade, nakipaglaban ng Tekken, tapos naglaro ng Dance Dance Revo at Para Paradise, at sa wakas, pumunta sa may stand ng Hurricones at bumili ng tig-iisang vanilla sundae cone. Nakaupo kami dun sa tabi nang stand, si Arvy ay abala sa pag-ubos ng kanyang ice cream habang ako ay abala naman sa paghahanap ng magandang babae (note: wag sanang mabasa ni Tintin ito). Maya-maya ay nagsalita si Arvy, "Kuya, salamat sa pasyal ah." Tumango lang ako at sinabing okay lang yun. Maya-maya, tiningnan niya ako diretso sa mata. Hindi ko malilimutan ang tingin na iyon. Ang kanyang mga inosenteng mata ay parang may gustong ipahiwatig na mas malalim. Tinanong niya ako, "Kuya, masaya po ba kayo?". Napaisip ako. Masaya ba talaga ako? O pinipilit ko lang ang sarili kong maging masaya? O baka sa kalungkutan ay nakakakita ako ng kasiyahan? Halos lumipas ang ilang minuto bago ako nakasagot. Napangiti na lang ako at sumagot, "Ewan ko Arvy...ewan ko...pero masaya ako at least naipasyal kita ngayon." Napangiti na rin siya, isang inosenteng ngiti ng bata. Ngiting walang halong pagkukunwari, walang halong pait, walang halong kalungkutan. Ewan ko ba. Kinagabihan, pagkauwi namin, hindi muna ako natulog. Pilit kong hiinahanapan ng sagot ang tanong sa akin ni Arvy: MASAYA BA AKO?
Tinopak si Jopeth noong: 2:49 AM
|
Monday, April 05, 2004
Simbahan Blues
Balik uli kay Mama. Noong Linggo, Palm Sunday, ginising kami ni Mama ng mga 6:30 ng umaga para magsimba for the Palm Sunday mass. Groggy pa ako nun dahil hindi naman ako sanay na gumising nang ganun kaaga. So naligo ako, nag-toothbrush, at nagbihis. Tinatamad akong maghukay ng damit isusuot sa simbahan kaya sinuuot ko na lang kung anong unang damit na makita ko sa loob ng aparador. Saktong nakita ko yung black na Che Guevara t-shirt ko. Kaya kinuha ko kagad yun, sinuto kasama nang pantalon ko na suot ko sa loob ng dalawang linggo (although may labandera kami, tinatamad akong idiskarga lahat ng laman ng pantalon ko at ilagay yung maruming pantalon ko sa laundry basket, besides, mas marumi at kupas ang pantalon, mas trashy tingnan). Sabay suot ng sapatos, lagay ng gel sa buhok at ayusin ito sa aking magulong spiky hairstyle, tapos suot ng aking spike-stud leather bracelet.
Lumabas ako sa kwarto nun at nakita ko ang iba kong kapatid na naka-polo at nakaayos. Si Mama naman naka-bistida. Parang ako nga lang ang naiiba. Tiningnan ako ni Mama mula ulo hanggang paa, parang nagtataka sa ayos ko.
Mama: Ano yang ayos mo?!
Jopeth: Bakit, may problema ba sa damit ko?
Mama: Magsisimba tayo tapos ganyan ang ayos mo?! Magdisente ka naman!
Jopeth: Disente naman to ah! Di naman ako nakahubad.
Mama: I mean yang damit mo. Magdamit ka naman ng normal kahit minsan.
Jopeth: Normal?! Eh normal ko naman tong damit ko! (palibhasa araw-araw kong suot)
Mama: Diyos ko, mahiya ka nga sa ayos mo. Nasa loob tayo ka nang simabahan...
Jopeth: Hindi naman magagalit siguro si God kung ganito ayos ko. Kung yung madungis na pulubi eh nakakapasok ng simbahan nang hindi kinikidlatan, ako pa kaya?! Pag kinidlatan ako, ibig sabihin ayaw ni God sa ayos ko.
Mama: ...
Jopeth: Okey na yung ganito kong ayos. Tara na...baka di ko maabutan yung Shaider eh.
Hehehehe! Ang kulit namin no? Kailan kaya ako makakausap nang matino ni Mama?
Tinopak si Jopeth noong: 1:35 PM
|
Sunday, April 04, 2004
Aaay naku Mama…
Kagabi, wala akong magawa sa bahay. Naisipan kong ilipat yung TV sa WOWOW, isang infamous na Japanese cable channel (try niyong manood ng WOWOW para Makita niyo kung bakit infamous *evil grin*). May pinapalabas na samurai film dun na hindi ko alam kung anong title dahil hindi ko naman maintindihan (no subtitles, no dubbing). Ewan ko ba kung bakit ko pinapanood yun, pero at least naiintindihan ko kahit konti kasi nag-aral naman ako ng konting Nihonggo (self-study nga lang). Basta cute yung bidang babaeng samurai dun, kamukha ni Rica Peralejo. Biglang napadaan si Mama sa sala at napansin yung pinapanood ko. Saktong naabutan niya yung brutal sa sword fighting scene kung saan si Azumi (pangalan ng bida) ay nilalabanan ang sangkatutak na kalaban. Astig yung scene dun, parang tubig yung baha ng dugo dun, not to mention maganda yung choreography ng fight scenes (reminds me of Kill Bill). Parang natulala si Mama nang mga ilang sandali dahil hindi sanay makapanood ng mga ganung bruta la na fight scenes.
Mama: Pinapanood mo ba yan?
Jopeth: Obvious ba?
Mama: Ano ba naman yang mga pinapanood mo, masyadong violent!
Jopeth: (grins) That's the beauty of it.
Mama: You shouldn't watch violent movies like that. Dapat yung mga pinapanood mo eh yung mga tipong The Passion of the Christ.
Jopeth: Eh bakit, violent din naman yun ah.
Mama: Eh at least yun tungkol sa buhay ni Jesus Christ. Eh yan puro tungkol sa patayan lang .
Jopeth: Eh bakit? Yung Passion of the Christ tungkol din sa patayan ah. Kung paano pinatay si Jesus Christ. Pareho lang naming tungkol sa patayan ito at saka yung The Passion. Nagkataon lang si Jesus Christ ang pinatay sa movie ni Mel Gibson.
Mama:...
Jopeth: *evil grin*
Mama: Ah basta, patayin mo na lang yang TV pagkatapos mong manood. Wag kang magpupuyat. Magsisimba tayo ng maaga bukas (for Palm Sunday).
Hay naku, kailan ko kaya makakausap nang matino si Mama? Malamang, ganun din ang iniisip niya. Kailan kaya ako makakausap nang matino ni Mama?
Tinopak si Jopeth noong: 2:20 PM
|
Saturday, April 03, 2004
Bagong Background Pic
Hehehe. Napansin niyo siguro na medo iba yung baground pic ng blog site ko. Pasensiya kung medyo malaki yung pic at mabagal mag-load. Sa mga nagtataka kung ano o sino yung nasa pic, sketch po yan ni Rei Ayanami, character sa Neo Genesis Evangelion, the best and most disturbing anime I've ever seen. Salamat pala kay Tintin na nagtiyagang mag-sketch ng pic ni Rei Ayanami, magpascan, at mag-edit nito sa Adobe Photoshop sa PC niya. I love you hunnie!!! Kung napapangitan kayo sa background picture ko, o may maii-suggest kayong mas maganda o mas astig, pakisulat na lang po ang inyong mga hinananakit sa comment box sa ibaba. Asteeg!!!
Tinopak si Jopeth noong: 3:00 AM
|
Thursday, April 01, 2004
Tangina mo Hasmin!!!!
Tingnan mo nga naman ang ginawa ni Hasmin, yung isa sa mga comrade ko sa Anak ng Bayan na Computer Science student. Specialty niya kasi ang graphics designing. Kaya binarubal niya yung matino kong picture!!!! Napulot niya tong pic kong ito sa Friendster, eto siya before:
Ngayon, after some digital alterations and some hocus-pocus with Adobe Photoshop, eto ang ginawa niya sa matino kong pic. In-e-mail niya sa akin itong pic na ito with a note:
"Ang cute mo pala pag mataba ka".
HASMIN, WALANGHIYA KA!!!! Hehehe!!! Pero at least pinakita mo ang iyong talent sa graphics editing. Pero next time naman sana, huwag naman pic ko ang paglalaruan mo. Okey lang kung pic ni George Bush yun o ni GMA, o kaya kay Britney Spears. Wag lang yung akin, okey?
Tinopak si Jopeth noong: 12:16 AM
|
Nang ako ay umakting...
Hindi ako makapaniwala na ako ay umakting ng todo-todo sa harap ng aking mga kaklase noong Sabado. Kasi sa Philippine Literature namin, ang final project namin ay magpre-present ng isang one-act play written by a Filipino author. Wala na kaming final exams dun. Yung presentation namin na yun mismo ang aming final exams, at ang magdidikta ng aming final grade. Ang piniling piyesa ng aming grupo ay ang Sa Ngalan ng Ama, nalimutan ko na kung sino yung author. Medyo dramatic yung piyesa na yun, at ako pa ang napagtripan ng mga kagrupo ko na gaganap sa leading role. Kung di naman mga tarantado yung mga kagrupo ko, alam naman nila na tambak ako ng mga exam sa Physical Science, Political Theory, Foundations of Sociology, Foundations of Education 2, at iba’t iba pang mga subject sa loob ng isang linggo, eh ine-expect nila na dapat sauluhin ko na yung mga lines ko within that week. So ako naman, I'm the master of multiple tasks, kaya sinaulo ko yung mga lines ko habang nagre-review ng sampung subjects, naghahanap ng tablature sa gitara nang "Freshmen" ng The Verve Pipe sa internet, pinapakain yung dalawa kong pusa, nanonood ng re-runs ng Ren and Stimpy sa Nickelodeon, at ina-update yung blog ko.
Practice sessions, putcha ang kukulit ng mga kagrupo ko!!! Ayaw magseryoso sa play namin. Tawanan ng tawanan, tapos yung karamihan puro late palagi kung pumunta sa mga practice namin (actually, isa ako sa mga madalas ma-late). Tangina, feeling ko magmumukha kaming gago sa presentation namin. 24 hours before presentation, although medyo ayos na yung presentation namin, hindi pa ganun kapulido. Crap, this is going to be a disaster...
Presentation na mismo, yari, kinakabahan na ako. Kasi naman eh hindi naman talaga ako stage actor eh. Pero call it adrenaline, call it a miracle, himalang naideliver ko lahat ng linya ko with full emotions and convictions. Hindi lang yun, yung mga kagrupo ko na hindi seryoso sa practice namin eh biglang gumaling. Tangina, nakakagulat! Pati nga yung prof ko eh naiyak sa galing ng storya at akting namin. Shet!!! May future pala ako sa theater arts!!! Hehehe!!! The result: flat 1.0 na grade sa final presentation namin. Is it a miracle? You decide...
Tinopak si Jopeth noong: 12:10 AM