M e m o r i e s
|
Friday, August 20, 2004
Hindi Okay
Hindi ako okay. Anak ng puta naman...kelan ba ako magkakaroon ng konting suwerte sa pakikipagrelasyon? Hay, ako ba ang may problema? Siguro nga.
Sabi ko hindi na ako magiging emo. Pero eto uli ako...
Hindi ako emo. Hindi ako emo. Hindi ako emo. Hindi ako emo. Hindi ako emo. Hindi ako emo!!!!!
Minamadali ko ba masyado yung mga bagay dito? Kung sa bagay, sabi nga ni Carla, kelangan ko daw maghintay para sa tamang babae para sa akin. Tingnan mo siya, tiniis ang pitong buwan ng pagiging single para maghintay para sa tamang lalake para sa kanya. At maswerte siya at nabiyayaan ang kanyang pag-aantay. Maghintay? Hindi ba pwedeng hanapin ko na lang? Bakit ko pa aantayin? Paano kung hindi na dumating?
Wala sa katauhan ko ang pagiging pasibo (passive sa Ingles). Ang paghihintay ay pagiging pasibo. Ibig sabihin eh uupo ka lang diyan at magdadasal na dumating ang prinsesa mo? Ayoko ng ganun. Mas gusto ko na hanapin ko ang aking kapalaran rather to be like a sitting duck.
Kaya eto ako, naghanap nga. At nakahanap na nga. Akala ko okay na lahat. Akala ko tama na lahat.
Hindi pala. Hindi okay.
Mahal ko siya. At mahal niya rin ako. Ngunit sa daloy ng mga pangyayari, hindi kami pwedeng maging kami. Kailangang maghintay hanggang handa na daw siya. Ang labo no?
Minadali ko ba ang paghahanap? Marahil oo nga. Anong gagawin ko?
Malamang gagawin ko ang pinakaayaw ko sa lahat.
Maghintay. Bwisit.
Habang naghihintay ako, yosi muna tayo.
Tinopak si Jopeth noong: 11:39 PM
|
Wednesday, August 11, 2004
Ang Makabagbag-damdaming Alamat ni Jopeth Flores
Noong lunes ay nagkaroon ng pakontest dito sa aming not-so-kool skool (haha...ang korni mo Jopeth) bilang pag-gunita sa Linggo ng Wika. Natural dagdag na grade din yun sa Filipino, na kamaykailan lang ay ibinagsak ko yung prelim dahil badtrip ako sa prof namin. Kaya natural, sinalihan ko yung category na alam kong hilig na hilig ko: pagsulat ng maikling kuwento (short story writing para sa mga tangang di nakakaalam). Akala ko madali lang...yun pala may theme pala ang katarantaduhang iyon. Natural, di ako sanay magsulat nang may rules. Kaya para akong naghang na pc roon. Halos sampung minuto ako nakatulala na parang gago noon. Biglang naisip ko...ano kaya kung ikuwento ko na lang yung pesteng luv life ko??? Tama. Kaya para akong inkjet printer na nagsulat kaagad, and after 45 minutes of nonstop writing...tapos na!!!!! Kung nanalo ako....hindi ko alam kasi di pa inaannouce yung mga nanalo. Kung anong istorya yun, saka ko na ipopost pag nakuha ko na yung original manuscript.
Tinopak si Jopeth noong: 2:58 PM
|
Monday, August 09, 2004
Itsu-SHIT
AYOKO KO NANG MARINIG YUNG PESTENG "ITSUMO" SONG NA YAN!!!!! ISANG BESES PA AT PUPUNTA NA AKO SA STEREO NG KAPITBAHAY NAMING HIPHOP AT HAHAMBALUSIN KO ITO HANGGANG MADUROG!!!! AAAAARRRGGGHHHHH!!!!
Tinopak si Jopeth noong: 3:15 PM
|
Thursday, August 05, 2004
Hindi ako emo
Hindi ako emo. I'm a metal by heart. Pero ewan ko ba. Dahil ba sa pwersa ng mga pangyayari at nagiging emo ako? Ewan. Parang kailan lang ang lakas ng loob sumigaw ng "EMO IS GAY!!!", pero ewan ko ba, nag-iba ang ihip ng hangin nang sumulpot siya sa buhay ko.
Siya. My favorite sin. My cain.
Ewan ko ba. Tawagin niyo akong tanga, gago o bobo. Pero pag nagmahal kasi ako, todo-bigay. Walang iniiwan sa sarili.Alam ko mali ito. Pero ganyan talaga ako.
Isang malaking tanga, bobo, gago. Lovefool.
Impression sa akin ng mga tao mayabang daw ako. Oo. Mayabang ako. Dahil confident ako sa sarili ko. Pero para sa kanya, I am ready to humble myself. I am all hers. Binababa ko na ang sarili ko sa kanya.
I am a zombie without her. She holds a half of my soul.Here i go again with my stupidity. Stupid punk.
But things doesn't go always the way you wanted it to be. Ayon nga sa Murphy's Law, if something should fuck up, then it would fuck up. Yup. Everything is messed up with me right now.
She said she couldn't take me. She said i couldn't be hers.
Another's. Maybe she belonged to another's. Or maybe not.Basta.
Everything would never be the same after this.
Seeing her name online on YM would never be the same.
Seeing her friends would never be the same.
Composing poems would never be the same.
Seeing her nick on the online list on the DALNET would never be the same.
Seeing the voilet font on my GB would never be the same.
Going to gigs would never be the same.
Listening to emo music (which i never did before) would never be the same.
Everything would never be the same.
Hindi ako emo. Pero nandito ako, nagsesenti sa blog ko, kumakain ng precious bandwidth. Naglalabas ng sama ng loob na hindi ko masabi, at hindi kailanman masasabi sa mga katropa ko. Kawawa naman itong blog page, taga-salo ng aking sama ng loob. Pero mas mabuti na ito kesa kimkimin ko lahat at maipon na lang na parang tae na di mo maire sa loob ko.
Hindi ako emo. And perhaps I could never be. I would rather have myself filled with angst and negativity. I will wallow in the pool of filth and self-destructive angst rather than sulk in a corner, soaked in emotic and pathetic slime. Pero ewan ko ba, she left a deep impression in my psyche...
I'm lost without my cain.
I could never be hers. And she could never be mine. And perhaps never will...
Kung gusto niyong makidamay sa problema at kasentihan ko, o kaya murahin niyo ako kasi inuubos ko ang bandwidth ng site na ito, mag-comment kayo. Pero isa lang ang hiling ko, sana mabasa niya ito...
Tinopak si Jopeth noong: 8:34 PM