M e m o r i e s
|
Thursday, June 16, 2005
Awww... how sweet naman...
Pinost ni Jam, ang aking pinakamamahal na girlfriend, ito sa kanyang blog sa Friendster. Pagpasensiyahan na kung maraming mga typo.
this was really a wonderful day for me..sobrang saya ko..kasi finally, napakilala ko na kay mama ung bf ko..hehe..and guess what, ok lng siya sa mom ko..and i ho[pe na maging ok din su\iya sa dad ko pag pinakilala ko na siya..kasi i really love him so much..sa kanya ko lang naranasan na maging masaya (except from the love of God and my family).. and sana magtagal talaga kami and walang iwanan, as what we've promised to each other.i really thank God 'coz i met a guy like him..kasi parang lahat na ng hahanapin mo sa isang guy eh nasa kanya na lahat.. mabait, gentleman, sweet, understanding (sobra!), caring, loyal, and most of all ang sarap magmahal.. pero cyempre, i'm still praying for him para maging kami na nga talaga... FOREVER!!!
I LOVE YOU JAM!!!!!
Tinopak si Jopeth noong: 3:19 PM
|
Tuesday, June 14, 2005
First Day Funk
Oo nga pala. Bago ko malimutan, 1st day of classes pala bukas. At bago ko uli makalimutan, huling taon ko na ito sa kolehiyo, dahil gradutaing na ako. Ambilis no? Parang kelan lang freshie lang ako na excited pumasok sa kolehiyo. Ngayong, isa na akong huklubang senior na nananalangin na sana ay hindi pa ako gumradweyt. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Randy sa akin. Kapag nasanay ka daw na nagtratrabaho ka, tatamarin ka na mag-aral. Pero sa akin, iba ang kaso: nasanay na akong mag-aral, kaya ayoko munang gumradweyt at magtrabaho.
Kaya habang nag-iisip ako kung isasabotahe ko yung isa sa mga subjects ko para hindi ako gumradweyt, kanta muna tayo:
"Let's do the funk...let's do the first day funk..."
Tinopak si Jopeth noong: 1:21 AM
|
Friday, June 10, 2005
Star Wars Episode 3: Revenge of Shit
Karamihan ng mga blog na nakikita ko ay may laman tungkol sa Revenge of Sith. Matural, bilang bloggie, pahuhuli ba ako? Ang review na ito ay orihinal na sinulat ni Mr. D ng deardiaryea.blogspot.com. Kaya eto na siya, in the galaxy far, far away...
Ang revenge of the sith ay tungkol sa paghihiganti ni sith, na ang tunay na pangalan ay Chancellor Robert. Ngayon itong si Robert pinipilit niyang ibugaw si Anakin na isang Judi. Eh parang nakumbinsi na itong si Anakin na sumama kay Robert. Kaso may mga taong kontra sa pangyayaring ito. Sabi nila, "Naku Anakin, marami ka pang bigas na kakainin. Maghintay ka muna." So yun na nga, nagaway-away sila gamit ang mga Glow sticks nila sa nakaraang concert ni Ja Rule. Hindi ko alam kung talagang engot lang 'tong si Anakin, at napaso yata. Kaya yon, naging abo na siya, at nilagay sa isang banga para isaboy sa dagat. Ang nangyari tuloy naging biyuda na si Padme Skywalker. Hindi niya alam ang gagawin. Kaya naisipan niya na lang na magpalit ng pangalan para maging model ng leather goods. So yun na nga, naisipan niyang magpalit ng pangalan, mula Padme ginawa niyang Darth Vader. Kung napanood niyo yung The Empire Strikes Back (o The Jedi Returns? basta) kung saan nagpakilala si Darth Vader kay Luke na "I'm your father." Si Padme talaga yon pagkatapos niya magpa sex change. Pero sa totoo dapat i'm your mother ang babanggitin niya don. So 'yon. Ay, saka sa space nga pala 'to naka setting kaya maraming spaceship dito.
Tinopak si Jopeth noong: 1:00 AM
|
Wednesday, June 08, 2005
The Attack of the Psycho-Neurotic Ex-Girlfriend
Akala ko ay tapos na ang lahat sa amin. Akala ko ay napapagmove-on na kami pareho matapos ng aming break-up. Pero hindi pala.
Just when I thought na masaya at kuntento na ako sa present na buhay ko ngayon, bigalng pasok sa eksena si Joyce, ang aking ex (para sa mga hindi nakakakilala sa kanya, hanapin yung post sa baba na tungkol sa kanya). Dahil naka-unlimited text ako, naisipan kong magsend ng message sa lahat ng mga tao na Smart sa phonebook ko, isa dun si Joyce. Hindi ko naman inaasahan na magrereply siya sa text ko. Natural, bilang isang friendly (?) na tao, nagtext uli ako sa kanya.
Hanggang sa naitanong ko kung musta yung buhay niya. Nasabi niya na naka-getover daw siya kay Earl, yung lalaking ipinalit niya sa akin. Okay na sana ang lahat kung hindi lang humirit siya ng ganito:
"Pwede bang iwan mo na yung GF mo at maging tayo uli?"
Mga ilang segundo akong natunganga dun. Parang cellphone na nag-hang ako nun. Shit, di ko inaasahan na may tama pa pala yung ex ko sa akin, pero anong gagawin ko? Tanggihan ko? Kaya lang baka gantihan ako nito, knowing na may pagka-psychotic si Joyce minsan. Pumayag sa kanya? Lalong hindi. Papatayin ako ni Jam pag nalaman niya ito. Kaya ang ginawa ko ay sinubukan ko muna siyang paikutin kahit sandali. Kaya tinanong ko kung ano naman ang sumuot sa utak niya at nakikipagbalikan siya sa akin. Well, according sa kanya, narealize niya daw na mali siya sa ginawa niyang pag-iwan sa akin. At nagsisisi daw siya kung bakit niya ako iniwan. At eto pa ang malupit: namimiss niya yung mga wild wet nights namin. Lalo akong nag-hang dun. Natural, lalaki din naman ako. Ikaw ba namang sabihan ng ganun at ewan ko kung anong mangyayari sayo.
Pero the fact still remains. May GF na ako, at si Jam na ang bago kong buhay. Ayoko siyang lokohin, considering kung gaano siya ka-loyal sa akin at kung paano niya rin tinanggihan yung mga ex niya na nakikipagbalikan sa kanya. Kaya ang solusyon? Hindi na ako nagtext. Buti kamo at hindi na rin siya nagtext uli. So I guess i'm safe...for now...
Tinopak si Jopeth noong: 2:04 AM
|
Sunday, June 05, 2005
The Addiction Continues
Dahil napakaganda ng panahon, at first time umaraw sa loob ng lang araw, sinamantala na namin ang pagkakataon para magwargames. Sa SBMA Junkyard ang labanan. Ayus!!! Kasama pa sina Jescille at Mitch, mga girlfriend ni Justine at Mark. By the way, kami pala ang TRIGGERHAPPY SQUAD. Meet the team:
Mark - ang squad leader. Medyo hot nga lang kasi masyadong sinsiryoso ang laro. Pero malupit ito. The master of stealth and backdoor fucking tactics. Nasa kanya ang sentro ng aming firepower. Kaya lang pag kakampi ko ito, lagi akong natatalo.
Toti - isa ring malupit sa stealth tactics. Hindi lagi nagkakalayo siya at si Mark sa posisyon nila pag sumusugod. Kaya lang, kapag kinantot siya ng kamalasan, sunod-sunod na ito. Nandiyan yung nagjam yung baril niya sa gitna ng matinding palitan ng mga putok, yung sumabit yung bagong bili niyang camouflage pants sa yero. nawalan siya ng 9,000 at Nokia 7650, sumabit at nadapa sa tali, naumpog sa sariling kamay, at marami pang susunod. Kaya pag sinimulan na siyang malasin, layuan na siya.
Randy - ang hobbit ng squad. Sa liit ng taong ito, kahit saan nakakalusot. Maski hindi automatic yung wepaon nito, saulado niya yung sight ng baril niya. Kaya once in range ka, you're dead. Kaya lang, madalas nag-lalag yung utak. Ewan ko kung anong version yung utak nito, o na virus na dahil sa kanyang evil ex-gf na si Roanne. Pero at least ngayon, nakapag-debug na kahit konti. At wag ka, playah na siya ngayon. Now that's what you call an upgrade!!!
Justin - siya ang mamaw ng grupo. Gamit ang ganyang halimaw na Steyr Aug, kaya niya tirahin yung mga kalaba maski malayo pa, o kaya'y palusutin ang mga bala niya sa mga dahon. Halimaw talaga yung baril na nabili niya sa Lila's. Kaya nga ang tawag namin sa baril niya ay yung "monster Aug". Ang callsign niya ay "Bayabas", dahil ayon sa GF niya na si Mitch, gabayabas lang daw yung laki ng ano niya. Hehehehe...
Alvin - ang kapre ng grupo. Standing at 6'0", ewan ko kung paano nakakapagtago yung mama na ito. Although wala siyang sariling baril na sarili, once na nakuha niya yung sights ng baril, kaya niyang tuliin maski yung lumilipad na langaw. Ang sikreto? Ang hindi pagligo ng ilang araw. Maski anong galing ng mamang ito, may isang kahinaan siya: hirap kumuha ng misis permit. Laging hindi pinapayagan ni Sta, GF niya. Bweset!
Ako - sabi nila, mahilig akong magsolo. Eh sa trip kong maging Rambo eh. Sabi nila, madugas daw ako, na nagli-Lito Lapid, kasi maski tamaan daw ako ng bala, tuloy-tuloy pa rin ako. Eh sa hindi ko nararandaman yung bala eh. Basta, balang araw, magiging malupit na NPA ako. Bwahahahahahaha!!!!
Tinopak si Jopeth noong: 2:07 AM
|
Thursday, June 02, 2005
My new addiction
Okay.
I admit it.
I'm an airsoft addict. There, I admit it. Kasi noong magkasama kami ni Jam, sabi niya ay nasa state of denial pa daw ako. Kasi parte daw ng addiction yan, idedeny mo na adik ka sa isang bagay maski sa totoo, sugapa ka na doon.
Ewan ko ba, nakakarelax kasi yung feeling na may nababaril kang tao gamit yung aming hi-powered pellet guns. Siguro may pagka-trigger happy akong tao. At least medyo safe na way ito para magrealease ng aggression, basta lang wag mong tatamaan yung kalaban sa mata o sa mukha.
Nagkasundo kami ni Jam na mag-iipon kami ng pera nagyong pasukan. Yung perang iyon ay ipon namin para sa mga gastusin namin. Sa kanya nakapangalan yung account na yun at nagkasundo kami na every weekend ay magkikita kami para magdeposit doon. Okay na sana lahat eh, kaya lang biglang pumasok sa buhay ko itong bagong addiction ko. Feeling ko mauubos ko yung ipon namin sa pagbili sa equipment sa airsoft battle eh. Lemme see, eto yung mga items na kailangan sa wargames (naka-itemized pa!):
Combat shoes - meron na ako nito
Woodland camouflage - meron na akong pants camo, and kailangan ko na lang ay pantaas. Meron akong nakita sa ukay na 300, malamang pwede pang tawaran.
Fisherman hat na camouflage din - 100 lang daw, kaya lang pupunta ka pa daw ng Dau para makabili ng ganun kamura.
Vest na magsisilbing magazine holder at armor na rin - mga 800 to 1000 daw ito.
At higit sa lahat, ang pinakaimportante:
Baril - depende kung anong klase. Yung plastic na automatic, 1800 daw. Kaya lang, hindi ganun kalayo ang range niya. Kung gusto mo yung malakas at talagang kickass ang firepower, bumili ka ng bakal na airsoft. Ang pinakamababa ay 18000. Ang target ko: yung automatic na plastic na AK-47. 1800 daw.
Shet.
Ammunition - mahal...kasi kailangan madami...hehehehe....bawat laban ay nakakubos kami ng half-kilo na pellets....basta magastos...
Ang adik ko no? Malamang papatayin ako ni Jam pag inubos ko pera ko sa mga nasabi ko...hehehehe....
Tinopak si Jopeth noong: 12:52 AM